Nakita ko ang batang ito at gusto
ko lang siyang kuhanan dahil sa makulay nitong damit na nag-match pa sa kanyang
bisikleta. Hindi ko agad pinansin ang larawan ngunit dahil parang naubusan na
ako ng ikukuwento ay biglang hayan na, naisip ko ang bisikletang sinasakyan
nito at nabasa ko pa ang nakasulat sa likuran na “Try it, you’ll like it!”
Sa totoo lang, hindi ko
nagustuhan ang pagbibisikletang hindi ko man lang natutunan. Nanginginig ang
aking may diperensiyang paa at mangangatog na parang nagmamakina. Iyon ang isa
sa mga bagay na hindi ko na-enjoy kagaya ng karamihan sa mga bata na halos
lahat ay sanay magbisikleta at kapag lumaon puwede ng magmaneho ng sasakyan.
Ewan ko nga lang talaga kung
bakit kahit anong pilit ang pagsasanay sa aking magbisikleta ay tumanda
akong hindi nasubukan kung paano mag-balanse, paano sumakay at mag-pedal. Ako
ay dakilang taga-angkas lang!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento