Huwag mo akong titigan.
Huwag mong ipakitang
nakatingin ka sa akin
O kaya naman
Ay ipahiwatig ang
iyong nararamdaman
Sa pamamagitan ng
iyong mga mata.
Mahina ako.
Baka ako ay bumigay,
Mahulog ang aking
damdamin
at wala akong magawa.
Huwag mo akong titigan.
Hindi mo dapat idaan
sa bawat pagtitig ang nais mong sabihin.
Maari kang magsalita.
Ibuka mo ang iyong
mga labi
At sambitin ang mga
salitang nais mo.
Huwag mo akong titigan.
Huwag mong hayaang
angkinin ako ng iyong maalab na titig.
Huwag mong ipakitang
babagsak ang iyong mga luha
At huwag iparamdam
ang iyong pagsusumamo.
Hindi kita kayang titigan.
Hindi ako
karapat-dapat na pag-alayan ng iyong mga titig
Na mag-aalay ng
pag-ibig.
Hindi ko magawang
humarap sa iyo.
Hayaan mong magsalita
ako.
Hindi ako ang para sa iyo.
Pilitin ko mang
maging iyo ay hindi na maaari.
Itinali ko na ang
aking puso sa kawalan.
Wala na ako sa
mundong nais mong puntahan
Na akin ng
pinanggalingan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento