Hindi ako natutong mag-gitara.
Lalong hindi ako nagkaroon ng interes dito. Siguro mas nagkainteres akong
manood ng naggigitara at pakinggan ang kanilang musika. Madalas itong libangan
ng mga kalalakihan. Nakakatuwang balikan ang mga panahon na hindi pa gaano
kapalasak ang internet at bihirang bihira lang ang may mga computer. Hindi
katulad ngayon na ang iba ay tutok na tutok sa mga on-line gaming, networking,
PSP at napaka-hi-tech na.
Sa boarding house madalas ang mga ganitong eksena. Iyon ang
bukod tanging libangan ng mga kalalakihan kasabay minsan ng Ginebra San Miguel
o mas kilala sa tawag na gin kasama ang pagngatngat ng mani at kornik. Uso pa
ang Expo at mahal ang Grower’s at masarap din ang corn bits! Wala pang Boy
Bawang noon.
Ang gitara ay parang added factor
sa isang lalaki. Kapag mahusay kang tumugtog nito, inlababo agad ang mga bilat.
Madaling mahulog, mag-ka-crush at nai-in-love agad ang mga gerlash kapag ang
hombre ay mahusay maggitara. Sige nga, paano kung haranahin ka ng isang lalaki,
tugtugin ang gitara at kantahan ka pa? Bigla lang may nag-flashback na alaala
sa aking nakaraan at napangiting nag-iisa. Ibang klaseng tama at napagtanto
kong ako ay isang timang at sinusumpong pagka-minsan.
1 komento:
Nice fill someone in on and this fill someone in on helped me alot in my college assignement. Thank you as your information.
Mag-post ng isang Komento