Nakiisa ang langit sa
nararamdaman ko ngayon. Ang araw ay tila bagang nagtatago sa mga ulap. Kulimlim
ang kalawakan at tila bagang nagbabadyang umulan. Iba ang simoy ng hangin at
may kung anong lungkot sa paligid.
Alam ng langit ang saloobin ko
ngayon. Hindi ko na kailangang idetalye pa kung ano ang talagang tunay kong
nararamdaman. Hayaang langit ang magsabi. Heto nga at kaylakas ng ulan. Pumatak
ng bigla-bigla at walang tigil ang buhos nito.
1 komento:
nice :)
Mag-post ng isang Komento