Sandamakmak
na
linyang
nagpasikot-sikot
sa kahit saang direksiyon
pilit na pinapayabong
ang mga dahon.
Hindi
namamalayang habang
patindi ang
sikat ng araw
ay kasabay nito
ang
pagkatuyo at pagkalanta
ng
ilang
sangang
uhaw
sa
tubig.
Parang
isang libo’t isang
singaw
na
nagpipilit pumiglas at
kumawala.
Hindi alintana
ang kahihinatnan ng
mga susunod
na
mangyayari.
Ang tanging alam
ay
pagbigyan ang tawag
ng
kalayaang walang katulad.
Masarap maging malaya.
Mapalad ang mga nakawala.
Animo’y
mga
paru-parong
nagsisilipad at
naghahagilap
ng mga bulaklak
na dadapuan para
sipsipin
ang
nektar
nito
at
katas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento