Napakadaming Filipino na mahuhusay sa graphic design. Kahit mga bata sa elementary kapag pinagawa mo ng logo para sa "Pilipinas Kay Ganda" ng Department of Tourism mas makakagawa ng mula sa isip, galing sa puso at hindi kinopya. Sino kaya ang responsable sa panggagayang ito?
Pumalpak na nga sa slogan, nanggaya pa sa logo. Sobrang halata, nilagyan lang ng paa ang L at pinalitan ng dahon ng niyog, pinaghiwalay ang waves, tinanggal ang bundok at nilagyan ng araw na bilog! Iba nga naman ang dating pero, ano ba? Halata pa rin. Hindi naman tayo tanga para hindi mapansin.
 |
Ito ang slogan at logo ng Department of Tourism na naging kontrobersiyal. |
Sa loob ng ilang minuto, gamit lamang ang Microsoft Publisher, gumana ang isip ko at heto angnaisip ko. Maaring Hindi kasing husay ng iba, pero at least hindi kinopya.
 |
May connect sa aking blogsite. O di ba? |
At kung gustong gamitin talaga ang salitang Pilipinas, heto lang ang masasabi ko:
 |
O, di ba panalo? |
Sana naman pag-isipan ng Department of Tourism kung ano talaga ang nais nilang mangyari at malaman nilang hindi ito katulad ng laro.