Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edwin S. Loyola. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edwin S. Loyola. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

ANGAS PINOY, ANGAT PILIPINAS TOP 25 FINALISTS

Congratulations to the Top 25 Finalists chosen by distinguished panel of judges! Watch out for the next round!


Thank you to the judges for their support and devoting their time for the selection of great images for the TOP 25. 

EDDIE BOY ESCUDERO 
ROSS CAPILI, 
EDWIN C TUYAY 
BESSIE BADILLA 
ALICIA BERNAL



Martes, Abril 24, 2012

Angas Pinoy, Angat Pilipinas! Photo Contest

Ipagyabang na Pilipino ka. Maangas! May ipagyayabang!

Oo, kayo nga ang hinahanap namin sa patimpalak na ito. Kuhanin ang inyong camera at imulat ang mga mata sa kagilagilalas na galing ng bawat isang Pilipino. Iparating mo sa buong mundo na maganda ang Pilipinas at magaling ang Pinoy.

Ang inyong larawan ay dapat na katangi-tangi. Naiiba. Hindi mga larawang nakita na o ang karamihan ay mayroon na. Naniniwala kaming marami pang puwedeng ipakita ang lahat ng mga litratistang Pinoy. Maging kakaiba. Pumitik ng naaayon sa tema. Ipakilala na Pilipino ka, mayaman sa kultura, sa tradisyon at pinapahalagahan ang lahat ng nasa paligid maging tao man ito o bagay.

Ang larawan ay dapat batayan ng isang bansang nagsusulong ng kagandahan at pinagyayaman ang kulturang kinagisnan. Ang bawat pitik na ihahatid ay mga larawang may positibong pananaw sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Malaya nating buksan ang ating mga mata na maging saksi sa pang-araw-araw na galing ng bawat isang Pilipino. Ang kagalingang ito ay hindi nakikita lamang sa piling panahon kung hindi sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang simpleng pagtutulungan, pagkakapit-kamay at pagbabalikatan ay katunayan ng isang maipagmamalaking kaugalian.

Ilan pa ba sa atin ang nakasaksi sa isang batang nagmamano sa mga katandaan? Ilan pa ba sa atin ang sa watawat ay nagpupugay? Ilan sa atin ang sa kabila ang mga pighating naranasan ay masiglang babangon at parang walang nangyari?

Iba ang angas ng Pinoy! Iniaangat ang sarili sa bawat sitwasyon maging sa pagdurusa man, panganib, kasiyahan at tagumpay. Tayo ang naiibang lahi na hindi sumusuko sa kahit ano pa mang pangyayari. Tayo ang nagsusulong ng positibong pananaw at nangangalaga sa kalayaang malaon ng iniingatan.

Nabuksan na ba ang isip mo kung anong klaseng larawan ang dapat na ipapakita mo? Tandaan, hindi lang mata ang dapat na isama sapagkat sa bawat pitik na nakikita ng mata ay kasabay ng pagpintig ng iyong puso na maipakita sa bawat obrang iyong ginawa ang diwa ng tunay na tema ng patimpalak na ito.

Ano pa ang hinhintay mo?

Your Best Shot V.2
Angas Pinoy, Angat Pilipinas!
Photo Contest


MECHANICS:

Maximum of 3 Entries

Color / Black and White
No watermarks
No borders

DEADLINE:
May 20, 2012


SUBMIT YOUR ENTRIES to this e-mail add 
yourbestshotv2.gmail.com.

Martes, Enero 17, 2012

EDWIN S. LOYOLA : HIGIT PA SA SIMBUYO NG DAMDAMIN


ni  Wallei Bautista Trinidad


Photo credit: Joe Malicdem
Ang simbuyo ng damdamin ay hinuhugot sa kaibuturan ng ating puso. Upang patindihin ang pag-aalab ng pusong makamtan ang silakbo ng pagnanasang makapagbigay buhay sa bawat katangi-tanging larawan, ang lahat ay nagiging kabigha-bighani.

Sa kanyang mga simpleng kagamitan sa pagkuha ng larawan at pagkahumaling sa likas na liwanag na nagmumula sa araw, si Maestro Edwin ay kumukuha ng dakilang kaligayahan sa pagkuha ng iba't ibang uri ng imahe na nagpapabatid sa atin na ang mundo ay likas na puno ng kahanga-hangang mga bagay at higit sa lahat masaya at masarap ang mabuhay.

Kapag nababanggit ang Loyola, pumapasok agad sa aking isipan ang salitang simbuyo. Kaipala, si Edwin at ang salitang nabanggit ay nagbibigay kahulugan sa kung ano ang natatanging nararamdaman sa bawat larawan na kanyang nalilikha. Ang bawat imaheng lumalabas sa kanya ay dulot ng kanyang malikhaing imahinasyon. Dahil dito, isa siya sa pinaka-bantog na litratista sa Pilipinas at kilala sa buong mundo.

Para kay Edwin S. Loyola, ang kanyang mga larawan ay hindi lamang tungkol sa pagpili ng isang paksa at pagkuha nito, ito ay nauukol sa isang partikular na pagtugon sa antas ng sining, ang balanse, proporsyon, at lahat ng iba pang mga elemento upang ang kanyang mga imahe ay maging isang obra at hindi lamang basta larawan.

Ang kanyang simbuyo ng damdaming makapaghatid ng mga kahanga-hangang pagpapakita ng katalinuhan, ng kanyang damdamin at ng isang kapangyarihan ay pagpapatuloy na pagbibigay kahulugan sa bawat emosyon. Ang kanyang pagsinta ay ang magbigay ng mga imahe na may pagtitiyak na makakapagbigay ng kahumahumaling na kagandahan  sa kung paano ito bibigyan ng kahulugan ng sinumang makakakita. Ang kanyang mga larawan ay tila isang pagtatanghal ng tula na nagsasabing hawakan ang puso ng bawat isa at upang mailahad ang sanglibo't isang kwento na pumupukaw ng kaluluwa.