Ipinapakita ang mga post na may etiketa na isyu ng lipunan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na isyu ng lipunan. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Abril 24, 2012

Angas Pinoy, Angat Pilipinas! Photo Contest

Ipagyabang na Pilipino ka. Maangas! May ipagyayabang!

Oo, kayo nga ang hinahanap namin sa patimpalak na ito. Kuhanin ang inyong camera at imulat ang mga mata sa kagilagilalas na galing ng bawat isang Pilipino. Iparating mo sa buong mundo na maganda ang Pilipinas at magaling ang Pinoy.

Ang inyong larawan ay dapat na katangi-tangi. Naiiba. Hindi mga larawang nakita na o ang karamihan ay mayroon na. Naniniwala kaming marami pang puwedeng ipakita ang lahat ng mga litratistang Pinoy. Maging kakaiba. Pumitik ng naaayon sa tema. Ipakilala na Pilipino ka, mayaman sa kultura, sa tradisyon at pinapahalagahan ang lahat ng nasa paligid maging tao man ito o bagay.

Ang larawan ay dapat batayan ng isang bansang nagsusulong ng kagandahan at pinagyayaman ang kulturang kinagisnan. Ang bawat pitik na ihahatid ay mga larawang may positibong pananaw sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Malaya nating buksan ang ating mga mata na maging saksi sa pang-araw-araw na galing ng bawat isang Pilipino. Ang kagalingang ito ay hindi nakikita lamang sa piling panahon kung hindi sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang simpleng pagtutulungan, pagkakapit-kamay at pagbabalikatan ay katunayan ng isang maipagmamalaking kaugalian.

Ilan pa ba sa atin ang nakasaksi sa isang batang nagmamano sa mga katandaan? Ilan pa ba sa atin ang sa watawat ay nagpupugay? Ilan sa atin ang sa kabila ang mga pighating naranasan ay masiglang babangon at parang walang nangyari?

Iba ang angas ng Pinoy! Iniaangat ang sarili sa bawat sitwasyon maging sa pagdurusa man, panganib, kasiyahan at tagumpay. Tayo ang naiibang lahi na hindi sumusuko sa kahit ano pa mang pangyayari. Tayo ang nagsusulong ng positibong pananaw at nangangalaga sa kalayaang malaon ng iniingatan.

Nabuksan na ba ang isip mo kung anong klaseng larawan ang dapat na ipapakita mo? Tandaan, hindi lang mata ang dapat na isama sapagkat sa bawat pitik na nakikita ng mata ay kasabay ng pagpintig ng iyong puso na maipakita sa bawat obrang iyong ginawa ang diwa ng tunay na tema ng patimpalak na ito.

Ano pa ang hinhintay mo?

Your Best Shot V.2
Angas Pinoy, Angat Pilipinas!
Photo Contest


MECHANICS:

Maximum of 3 Entries

Color / Black and White
No watermarks
No borders

DEADLINE:
May 20, 2012


SUBMIT YOUR ENTRIES to this e-mail add 
yourbestshotv2.gmail.com.

Miyerkules, Marso 7, 2012

I-ENJOY ANG TRIP


ni Wallei Bautista Trinidad


Ang pangit naman yata na kung kailan tuyot ka na saka ka mag-eenjoy. Marami namang paraan para mag-enjoy o i-enjoy ang buhay natin. Bagamat may mga tensyong bumabagabag sa atin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa pamilya at maging sa lipunan, hindi natin dapat malimutan na sa paraang gusto natin ay maaari tayong maging masaya.

1. Yung gusto mong gawin, gawin mo na ngayon pa lang. Hindi naman ibig sabihin na lahat ng ikikilos mo ay kaakibat ng paggastos o pag-aaksaya ng salapi.

2. Minsan sa pag-iisip ng kung ano ang mangyayari sa atin sa kinabukasan, nakakalimutan nating harapin ang kung ano mayroon ngayon and we end up wasted sa isang araw na wala man lang nagawa para maaliw tayo.

3. Natatawa lang ako sa pag-uusap naming magkapatid sabi ko kung ano ang hiling nila Nanay at Tatay, ibigay na ng bonggang-bongga basta naayon lang sa kakayanan. Usually, our parents demand for some things na maliligayahan sila. Ibigay agad. Hihintayin mo pa bang mawala sila saka ka gagasta? Kung bet ni Nanay ng angry birds, bilin! Kung bet ni Tatay ng popcorn, gora! Masayang ibigay ang hilig nila basta't kaya.

4. Kung may nagkagusto sa iyo, give him a chance. Huwag ng hintayin pang maging ugat foundation member ka saka mo pagsisisihan ang pagkawala niya.

5. Kung feel mong maligo ng gatas, gawin mo basta huwag kalimutang magbanlaw at baka langgamin ka o ipisin pa.

Endless ang mga bagay na puwedeng gawin. kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang trip. Ang nakakaloka lang kapag may trip kang di naman trip ng iba, i-tsi-tsismis ka pa, pag-uusapan at para bang may nagawa kang kasalanan, Walang masamang maging masaya at gumawa ng ikasisiya basta walang batas na sinusuway at makakasakit sa damdamin ng iba. 



Ang buhay ay trip-trip lang.

Huwebes, Abril 7, 2011

HINDI NAKAKAWILI : ANG KAHIRAPAN AT LEKSIYONG DULOT NI JAN-JAN



Hindi palaging perang napakadaling makuha sa pamamagitan ng game show ang magpapatakbo ng buhay ng lahat ng mahihirap na Pinoy. Ang show na katulad ng Willing Willie na animo ay sinasanto ng karamihan sa mga Pinoy ay sumasalamin mismo sa katamaran ng mga Pilipino. Perang madaling makuha kapalit na kahihiyan o ng sariling dangal ay perang biglang mawawala at mismong magbabaon sa iyo sa kahirapan.

Naging maingay ang mga taong sumuporta kay Jan-Jan dahil sa malinaw na pang-aabuso ng host na si Willie Revillame kahit pa i-deny niya ito ng maraming beses. Nakipagtalo pa ako sa isa kong kaibigan dahil tila sinasabi niyang walang kasalanan si Willie sa pagsayaw ng bata. Sabihin na nating walang kasalanan si Willie pero responsible siya sa lahat ng pangyayari dahil: (1) maaari niya itong pigilang mag-perform ng ito’y umiiyak na (2) hindi gusto ng isang bata ang kanyang ginagawa kung ito’y umiiyak maliban kung ito’y nasa isang pelikula (3) hindi na niya dapat hinayaang paulit-ulitin pang gawin ng bata ang kanyang pagsayaw (4) hindi na dapat pinangalandakan ni Willie na ginagawa ng bata ito para kumita ng pera.

Maraming leksiyon na makukuha sa pangyayaring ito at magbubukas sa mga mata ng mga taong kumakatawan sa kahirapang mayroon ang Pilipinas. Dapat nating malaman na bagamat mahirap tayo hindi laging instant o madalian ang pagkita ng pera, sapagkat ang pera ay pinaghihirapan at pinaghahanapbuhayan. Dapat mabuksan ang mga mata ng mga taong hindi game show ang sagot sa kahirapan kundi kasipagan. Nagiging mahirap tayo kung hindi tayo kumikilos at walang ginagawa at naghihintay ng grasyang babagsak o umaasa sa suwerte o himala.

Nakakalungkot isipin na nalason ng mga game show na ito ang isipan ng maraming Pilipinong ang buong akala ay iyon na nga ang kasagutan sa pinagdadaanang kahirapan na kahit pa magmukhang tanga sa harap ng tao ay ginagawa ang kahit anong bagay makakuha lang ng instant cash.

Ang sa akin lang, malaki rin ang pananagutan ng mga networks sa Pilipinas sa mga nakikita ng mga tao at napapanood. Malakas kasi sa rating dahil maraming tagapanood at malaki ang kikitain pero nakalimutan nilang may malaking imapact ito sa sambayanan. Dapat ibahin ang stratehiya at programang nagsasabing tumutulong sa mahihirap. Hindi lang pera ang sagot. Marami pang iba.

Ang pangyayaring tungkol kay Jan-Jan ay hindi natatapos dito lang at hindi dapat umikot sa TV5 o kay Willie Revillame lamang. Sapat na ang lahat ng pangyayaring ito ay magbukas sa lahat ng Pilipino na maging mapagmatiyag sa kung ano ang nangyayari sa paligid.

Oo, mahirap kami pero hindi ibig sabihin ay kailangang pumila sa lahat ng game shows at gumawa ng gimik kahit na nakakahiya para kumita lang ng pera. Puwede akong kumuha ng labada sa mga may kaya, gumawa ng bibingka at ibenta sa kalsada, o magbantay sa tindahan ng kakilala. Puwede akong magpaturo kung paano manggupit sa barberong may pagupitan sa kabilang kanto. Maaring akong magpaturo kung paano mag-manicure o mag-pedicure kaya sa kaibigang bakla at kapag natuto ay mag-service sa mga kalapit barangay. Maraming paraan ang pagkita ng pera pero para tapakan ang pagkatao mo, hindi ko yata magagawa. 

Huwebes, Nobyembre 18, 2010

Pilipinas Kay Ganda Logo, Kopyang-Kopya sa Poland na Polska!

Napakadaming Filipino na mahuhusay sa graphic design. Kahit mga bata sa elementary kapag pinagawa mo ng logo para sa "Pilipinas Kay Ganda" ng Department of Tourism mas makakagawa ng mula sa isip, galing sa puso at hindi kinopya. Sino kaya ang responsable sa panggagayang ito? 


My apology to Poland Official Travel Website for this logo.


Pumalpak na nga sa slogan, nanggaya pa sa logo. Sobrang halata, nilagyan lang ng paa ang L at pinalitan ng dahon ng niyog, pinaghiwalay ang waves, tinanggal ang bundok at nilagyan ng araw na bilog! Iba nga naman ang dating pero, ano ba? Halata pa rin. Hindi naman tayo tanga para hindi mapansin.

Ito ang slogan at logo ng Department of Tourism na naging kontrobersiyal.

Sa loob ng ilang minuto, gamit lamang ang Microsoft Publisher, gumana ang isip ko at heto angnaisip ko. Maaring Hindi kasing husay ng iba, pero at least hindi kinopya.

May connect sa aking blogsite. O di ba?

At kung gustong gamitin talaga ang salitang Pilipinas, heto lang ang masasabi ko:
O, di ba panalo?
Sana naman pag-isipan ng Department of Tourism kung ano talaga ang nais nilang mangyari at malaman nilang hindi ito katulad ng laro.

Lunes, Nobyembre 15, 2010

Blog Action Day: Bayang Minasaker

[Original Photo Credit: Bulatlatdotcom] Paumanhin kay Luna Mon sa paggamit ko ng
larawan. Na-grab ko mula sa kanyang Facebook Wall.
Bilang paggunita at pakikiisa sa paghingi ng hustisya para sa mga nagbuwis ng buhay sa Hacienda Luisita, inilalaan ko ang espasyong ito at ang araw na ito bilang tugon sa panawagan para sa Blog Action Day.

Bukas, saktong anim na taon na mula ng ang mga manggagawa ng asukarera ng Hacienda Luisita sa pamumuno ng United Luisita Workers' Union ay nagwelga at pitong manggagawa ang namatay. Sinundan pa ulit ito ng pitong welgista at taga-suporta na napatay rin matapos     ang isang buwan.

Ang tunay na nangyari. Basahin [dito]


 Wala pa ring hustisya matapos ang anim na taon. Sigaw ng bayan, "Katarungan!"