ni Wallei Bautista Trinidad
Ang pangit naman yata na kung kailan tuyot ka na saka ka mag-eenjoy. Marami namang paraan para mag-enjoy o i-enjoy ang buhay natin. Bagamat may mga tensyong bumabagabag sa atin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa pamilya at maging sa lipunan, hindi natin dapat malimutan na sa paraang gusto natin ay maaari tayong maging masaya.
1. Yung gusto mong gawin, gawin mo na ngayon pa lang. Hindi naman ibig sabihin na lahat ng ikikilos mo ay kaakibat ng paggastos o pag-aaksaya ng salapi.
2. Minsan sa pag-iisip ng kung ano ang mangyayari sa atin sa kinabukasan, nakakalimutan nating harapin ang kung ano mayroon ngayon and we end up wasted sa isang araw na wala man lang nagawa para maaliw tayo.
3. Natatawa lang ako sa pag-uusap naming magkapatid sabi ko kung ano ang hiling nila Nanay at Tatay, ibigay na ng bonggang-bongga basta naayon lang sa kakayanan. Usually, our parents demand for some things na maliligayahan sila. Ibigay agad. Hihintayin mo pa bang mawala sila saka ka gagasta? Kung bet ni Nanay ng angry birds, bilin! Kung bet ni Tatay ng popcorn, gora! Masayang ibigay ang hilig nila basta't kaya.
4. Kung may nagkagusto sa iyo, give him a chance. Huwag ng hintayin pang maging ugat foundation member ka saka mo pagsisisihan ang pagkawala niya.
5. Kung feel mong maligo ng gatas, gawin mo basta huwag kalimutang magbanlaw at baka langgamin ka o ipisin pa.
Endless ang mga bagay na puwedeng gawin. kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang trip. Ang nakakaloka lang kapag may trip kang di naman trip ng iba, i-tsi-tsismis ka pa, pag-uusapan at para bang may nagawa kang kasalanan, Walang masamang maging masaya at gumawa ng ikasisiya basta walang batas na sinusuway at makakasakit sa damdamin ng iba.
Ang buhay ay trip-trip lang.
2 komento:
minsan,
nais mong mapag-isa.
minsan, naghahanap ka ng kasama,
akala mo panghabang buhay,
ngingiti, hahalakhak, ibabahagi ang kalungkutan mo ng pag-iisa.
subalit minsan din, kapag nag-iisa,
dito mo malalaman ang kalakasan ng kung sino ka at ano ka.
dito mo napagtutuunan ng pansin ang iyong sarili.
di mo nakikilala ang iyong pagkukulang at ang sobra sa iyong buhay.
di ka nag-iisa, akala mo lang iyon,
may kasama ka, laging nakaalalay.
sometimes you have to be alone,
to hear god's whisper saying,
"you are loved"
Hi! Is your blog design a template? Or you made it? It's very nice. I want one :) Your blogs are great! :))
Mag-post ng isang Komento