Isang buong araw na pamamasyal
ang ginawa ko kasama ang aking mga tauhan sa kumpanya. Hindi palaging
nagkakaroon ng pagkakataong makalabas ang mga production workers kaya isang
pribilehiyo sa kanila ang makalabas ng sama-sama at kahit sa sandali man lang
ay maaliw sila. Kita ko ang kasiyahan nila pero sumakit ang ulo ko dahil para
akong isang matandang dalagang teacher na may mga bitbit na estudyante para sa
isang field trip. Kakalokang sumigaw at magalit. Tumaas na naman ang aking
blood pressure!
Ang araw na ito ay para sa kanila
kaya bitbit ang aking camera ay pinagkukuhanan sila sa kung anu-anong parte ng
Dubai. Ang pinakahihintay ko lang ay ang huling destinasyon namin papuntang
Global Village na sandamakmak ang mga tao at talaga naman hindi ko kinayang
ikutin ang lahat-lahat. Pinuntahan ko ang Philippine Pavilion para ipakita sa
kanila ang ating kultura at kung ano ba mayroon sa Pilipinas. Naabutan nila ang
pagsasayaw ng mga Filipina at naaliw naman sila dito.
Boracay ang ipinakilala sa labas
ng pavilion at para akong tourist guide na nagbigay ng impormasyon tungkol sa
aking mahal na Pilipinas. Proud akong maging isang Filipino at nagpapasalamat
ako na ako ay Filipino! Fabulous ang Pinoy!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento