Valentine’s Day. Heart’s Day.
Araw ng mga Puso. Bulaklak. Pula. Stuffed toys. Chocolate cake. Regalo. Lahat
ng ito ay pawang mga simbolong may kinalaman sa ikalabing-apat ng Pebrero.
Kinalakihan ko na ang mga ganitong klaseng pagdiriwang sa araw na ito. Naisip
ko lang puwede bang panatalihin natin ang diwa nito araw-araw?
Ang araw na ito ay isa ng
kaugaliang halos ginagawa ng lahat ng magkasintahan. Isang pagtatakda ng oras
at panahon kung saan ang bawat magkasintahan ay nagsasama, nagdiriwang at
kumakain kung saan. May mga regalo pa. Parang Pasko. Tinutulungan nitong madama
kung gaano kahalaga ang pag-iibigan ng isa’t isa.
Ngayon, kung nagagawa mo ito sa
kasintahan mo, bakit hindi mo gawin sa buong pamilya mo? O lahat ng taong
nakapaligid sa iyo? Tandaan na hindi lang laging materyal na bagay ang
kailangang ibigay para sa kasiyahan ng mga mahal mo sa buhay. Handa ka ba at
taos sa iyong puso ang paghahandog ng simpleng panahon para sa taong
nalulungkot at nangangailangan ng kalinga at pagmamahal? Puwede mo na ngang panatilihin
ang araw ng mga puso kung gayon.
Sa araw-araw kahit hindi
ikalabing-apat ng Pebrero, handa ka bang mag-ukol ng panalangin sa iyong mga
kaaway at mga taong kinaiinisan mo? Kaya mo kayang baguhin ang takbo ng iyong
utak at iwaglit ang galit sa iyong mga puso? Iwasan ang inggit at iwasang
ikumpara ang sarili sa iba?
Pumapayag ka ba na ang pag-ibig
ang pinakamalakas na bagay sa mundo, mas malakas sa masama at kamatayan? Puwede
mo bang gawin ang lahat ng ito araw-araw?
Kung magagawa mo ito, sinasabi ko
ikaw na ang isa sa mga pinakamasayang tao sa mundo! Gusto ko ring subukan.
Hindi ko pa nagagawa. Tara sabay tayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento