Isang pagkakaibigang
pinalalim ng pagsasama
Isang pag-ibig ang
aking nadama
Binuksan mo ang
pintuang akala ko’y sarado na
Ang aking buhay
binigyan mo ng saya.
Maaliwalas na
panahon, malamig na hangin
Tila may bagong
langit na sumilay sa akin
Hilaga, silangan,
timog at kanluran
Sa lahat ng
direksiyon ang nakikita ko’y ikaw.
Sa iyo iba ang
pakiramdam ko
Sa iyo tila may bago
akong mundo
Binigyang katuparan
mo mga pangarap ko
Binigyang saysay ang
aking pagkatao.
Noon ang buong akala
ko’y hanggang doon lang
Pinatunayan mong sa
lahat ang pag-ibig ay may puwang
Kahit anu pa man ang
kinabibilangan
Ang mahalaga ay ang
nararamdaman.
Sitwasyon lang ang sa
ati’y makapaghihiwalay
Na wala sa panahon
dumating ng biglaan
O anong sakit at pait
ang aking naramdaman
Ngunit mabilis kong
tinanggap ang katotohanan.
Sa iyo ang baluktot
ay nagiging tuwid
Ang ingay ay tila
payapa at tahimik
Ang itim ay
nagkukulay puti
At ang malalabo,
nagliliwanag muli.
Sa iyo gusto kong
paangkin
Sa pagtanda ko ikaw
ang nais makapiling
Lahat ng unos ay
aking susuungin
Ikaw ang buhay ko,
ang hininga ko’y iyo rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento