Salamat Ms. Cheine Amiscua sa
cake. Happy First Monthsary sa Kuwentong
Fabulous. Inabot din ng isang buwan. May nalalabi pang tatlong daan at
tatlumpu’t apat na araw para matapos ang aking sinimulan. Whew!
Hayaan ninyong pasalamatan ko
kayong lahat na sumusubaybay at nagbabasa ng mga kung anu-ano lang. Sa kabila
ng inyong ka-busyhan sa inyong mga trabaho at sa mga kung anong bagay ay
binisita ninyo ako at nag-alay ng ilang minuto. Hatid ko ay ang kaaliwan ng mga
mambabasa. Hindi ito isang relihiyoso o politikal na paghahatid ng kaalaman o
debate. Ito ay ang tala-larawan ng buhay. Simple, baduy, nakakaloka,
nakakatawa, minsan may drama, cheesy, maarte at fabuloza!
Sa lahat, bonggang-bonggang
pasasalamat at yakap ang hatid ko sa inyo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento