Hindi ako vegeterian. Hindi rin
ako nahilig sa Indian dishes kahit pa nagtira ako doon ng panandaliang panahon.
Hindi kaya ng dila ko ang sobrang anghang at dami ng spices na kanilang
nilalagay. Roti o chapati lang ang kaya kong kainin na gawa sa trigo (wheat) at
ang ilang mga sweets kagaya ng rasgulla at gulab jamun.
Dahil madalas akong maimbita ng
ilang mga collegemates, bilang respeto sa mga pamilyang pinuntahan ko, pilit
kong kinakain ang pagkain inihain nila sa mesa sabay inom ng tubig. Minsan,
nagluluto na lang ako ng sariling pagkain.
Kung ilang taon ko ng kasama ang
mga South Asians na halos lahat ay kumakain ng maaanghang pero hindi ko
kinakaya at nauubusan ako ng powers kapag nakakatikim ng pagkaing ubod ng
anghang.
Pero dahil kung ilang taon kaming
magkasama ni Amrit, minsan ay sinusubukan kong kainin ang pagkain nila. Ang
ilang pagkain ng Nepal ay parang katulad ng luto ng mga Filipino huwag lang
lalagyan ng anghang. Parang mga tipong caldereta ang dating. Si Amrit ang
nasanay kumain ng mga pagkaing Pinoy at iba pang ako ang nagluto para sa kanya.
Pinakamadalas siyempre ang version ko ng adobo, menudo, at mga gisa-gisa lang.
Kumakain din siya ng sinampalukang manok.
Kung ilang beses na rin niya
akong inaya sa mga kainang pang-Indian pero ang lagi kong sinasabi ay alam
naman niyang hindi ako sanay sa mga pagkaing katulad ng sa kanila. Pangatlong
beses akong napunta sa India House Restaurant at sinubukan kong kumain. Hindi
basta tikim lang kundi kain talaga ang ginawa. Bagamat maanghang talaga ay
kinaya naman ng aking mga bibig. Nabusog ako at masarap naman.
Walang kahit anong karne. Ang
India House Restaurant ay isang vegetarian restaurant. Nabusog ako at hindi
naman kamahalan ang bayad. Dapat lang talagang subukan at tikman para malaman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento