Pagkakita ko sa kapeng inorder
ko, naaliw ako ng makita ko ang korteng pusong nakalagay sa ibabaw nito. Wala
pa akong naiisip na isulat kaya biglang naglaro ang isip ko tungkol sa hugis
pusong nakita ko. Dahil buwan naman ng Pebrero ngayon, bakit nga
ba hindi puro tungkol sa pag-ibig ang gawan ko ng kuwento? Tutal, sagana naman
ako dito. Hahaha.
Pilit pinapabata ng pag-ibig ang
puso. Kung gusto ninyong mag-feeling bata ever, be in LOVE. Kung matututunan
nating laging umibig, tayo na ang pinakabatang nilalang sa mundo.
Hindi ko nga naramdaman na ganito
na ako katanda. Basta ang pagkakaalam ko, ng ako ay sumapit sa edad na
labing-anim ay huminto na ito dito at hindi na nadagdagan. Forever 16 ang edad
ko. Hahaha. Age is just a matter of
numbers. Hindi nito binabago ang puso. Ang isip nababago pero ang puso
nananatili sa sarili nitong estado. Lagi lang sambit nito ay magmahal ka, umibig
ka at kahit masaktan ka pa, go lang ng go! Umibig kang muli at huwag mapagod.
Lagi mong isiping pag-ibig ang magpapabata sa iyo!
Gawing parang isang tasa ng kape
ang pag-ibig araw-araw. Sa bawat paghigop nito ay katumbas ng ilang libong
pagsasabog ng pag-ibig mula sa puso. Pag-aalay ng pag-ibig na walang
hinihinging kapalit. Walang kahalong pagkukunwari.Pag-ibig na may
pinaghuhugutan at pag-ibig na kayang maghari sa lahat.
Pag-ibig nga ang kasagutan sa
lahat ng katunungang bumabagabag sa atin. Walang kahirapang hindi kayang
padaliin ng pag-ibig, walang sakit na di kayang pagalingin nito at walang
pintuang nagsasara ng dahil dito. Walang dagat na hindi kayang tawirin, walang
tinik na hindi kayang tapakan (parang kanta ni Sharon Cuneta) at walang
kasalanang hindi kayang patawarin ng pag-ibig.
Kahit na nga nawawalan na tayo ng
pag-asa sa buhay o kahit anong gusot na ating pinasukan at kahit gaanong
kaputik ang ating tinatapakan, kahit gaano kalaki ang ating naging pagkakamali
sa buhay, lahat ng ito ay maaaring malagpasan kung sa puso natin ay may
pagmamahal. Kung kaya lang nating umibig ng sapat, tayo na ang pinakamasayang
tao sa mundo.
Pag-ibig, pagmamahal… LOVE,
napakadaling pag-usapan kung minsan. Madaling mapagkuwentuhan pero hindi naman
natin namamalayan kung atin ba itong naisasabuhay o nagagawa man lang. Bakit
hindi natin subukang lagyan ng pag-ibig ang lahat ng bagay na ating ginagawa?
Subukan mong gawin ngayon at makikita mo, malaki ang magbabago sa buhay mo! Now
na, go!
1 komento:
Ang galing talaga nang anak ko..
Wala na akong masabi
kundi saludong saludo si mommie sayo...
Keep it up nak wallei
at marami salamat na din
sa pagpapahalaga mo skin bilang mommie sa kubo
na kahit di mag lang tayo nagkakilala in person
talagang makapangyarihan ang pag ibig
not only for yourr love ones
and families but for friends too....
Thankz a lot nak for sharing us...
Ang galing mo....
Loveyou... Hugz @ kisses.... Mommie Emz.... <3 <3 <3 ....
Mag-post ng isang Komento