Oo, napaaga nga. This is
something about “pag-ibig”. Hindi pa Valentine’s Day pero bigla ko itong nakita
at obvious naman di ba? Dalawang mukhang magkalapit. So sweet! Pero hindi ito
basta pag-ibig lang na alam natin. Pag-ibig Na masalimUot at pasikut-sikot na
aspeto ng pakikipagrelasyon.
Kapag may pag-ibig, may relasyon.
Ang daming klaseng relasyon. Hindi lang boy-girl relationship na minsang
napupunta sa isang “marriage
relationship”. Relasyong sali-salimuot. Relasyon ng pamilya. Relasyon ng magkakapatid.
Relasyong bading. Relasyon ng gurang at bata. Relasyong minsang kumplikado at
sa pinakamasakit na dulo nito, ang bawal na relasyon. Ewan ko lang pero minsan
napag-isip-isip ko na bakit kailangang humantong ang bawat isang tao sa mga
ganitong bagay. Sabi nga nila kapag puso raw ang humatol ay wala silang
magagawa. Nagiging timang na. Kahit gaano ka pa katalino at kahit ilang kurso
pa ang kinuha mo, kapag si puso ay nagbadya, si utak ay biglang nalilito.
Kaloka!
Aba! Sino ba ang ayaw pumasok sa relasyon?
Lahat ay gustong maranasan ang sitwasyong sa iba ay nakakapagpabuo ng kanilang
sarili. Hindi kumpleto kapag walang karelasyon. Si relasyon naman kung minsan,
napakadaling hanapin. Naglipana, parang inilalako lang. Sa iba naman ang ilap.
Hindi mahanap-hanap.
Base sa mga nakita ko at ang ilan
ay dinanas ko, kaakibat ng relasyon ang matinding atraksiyon sa isang tao na
idinidikta ng puso. Pag-ibig ba ito?
Makapangyarihan nga at hinahamak ang lahat masunod lamang. Kasehodang
itakwil ng pamilya, kahit na isumpa ng ilan, pilit ipapasok ang sarili makamit
lamang ang relasyong inaasam. Ang ibang relasyon ay relasyon na umiiral mismo
sa pamilya. Gaano ba magkakasundo ang magkakapatid?
Ang mga lalaki, talaga nga yatang
natural na “polygamous”, hindi mapakali at makuntento sa isa. May-asawa na,
makikipagrelasyon pa sa iba. Ang tatay ko, nakisali rin. Pinasok ang ganito.
Huling-huli na, deny to death pa ang drama. Martir ang nanay ko. Sobra.
Pinagpaplanuhan ko ngang bigyan ng “award” at ng masulit ang pagiging
martir. Ipagdadasal na lang daw niya si
tatay. Aba, sa hinaba-haba ng panahon mukhang may malaking improvement…
Magkasama pa rin sila. Masaya ako para sa kanila. Kaya nga noong huling kausap
ko kay Nanay, kinumusta ko ang tatay ko. Diabetic si tatay. Nagme-maintain ng
gamot kaya hindi na siguro tinitigasan. Hahahaha!
Pero di ba? Ang daming nasira ang
pamilya dahil sa pangangabit ni lalaki. Aray ko… Sa mga nakakaalam, alam nila
kung bakit ako napa-aray! Puwede ba akong magpaliwanag?
Hanga din naman ako sa relasyon
naming magkapatid. Kahit noong bata pa kami, marami ang nagsasabing maganda ang
samahan namin. Si nanay, madalas na sinasabi sa amin noon na magmahalan kaming
tatlo. Walang ibang magtutulungan sa amin kundi kami lang din naman. Natural
lang ng mag-way kami dati. Mga away ng mga batang pasaway. Ang seryosong
pagtatampo sa akin ng aking sister ay noong nasa kolehiyo kami. Naaalala pa
kaya niya iyon? Ang sister ko mega hindi kumikibo ever sa akembang kaya matagal
din kaming hindi nagpansinan. Hindi pala niya ako pinansin. Tumagal ng ilang
araw bago kami nag-usap. That was the first and last. Ngayon, masasabi kong
walang makakasira sa aming realsyon. Walang “pride’ na umiiral sa amin. Puwede
akong magbaba ng level at lahat puwedeng daanin sa pagpapatawa! Salamat na nga
lamang at talaga namang carry niya ang ka-timangan ko. Salamat sistereka! Isa
kang Diyosa! Madalas silang may tampuhan ng kapatid kong bunso. Ang kapatid
kong bunso na pasaway, pinagsasabihan ko rin ng madalas kapag sinasagot ang Ate
niya. Nakakatimang kung minsan. Hindi ganoong ka-perpekto ang relasyon namin sa
pamilya. Pero, kapag ako ang kapatid ninyo, mababalanse ang lahat! Ako ang
timbangan sa pamilya. Pinapakinggan naman nila ako.
May mga relasyong bawal. Ano nga
ba ang bawal? Bawal kasi masama. Sa mata ng Diyos at mata ng lipunan bawal ang
may-asawang pumatol ulit sa iba. May ilan namang may-asawa na, papatol pa sa
isang may-asawa rin. Naku, ang dami kong kilala. Sa lugar namin, ang daming
tsismosa. Mga dakilang tsismosa. Dinadaig pa ang BBC at CNN sa paghahatid ng
balita. Naririnig ko lang din kasi sa kanila. Ang iba napakadaling manghusga na
akala naman perpekto rin sila. Look who’s talking? Hay buhay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento