Miyerkules, Enero 6, 2010

NGITI

 
Madalas kapag kinukuhanan tayo ng picture karamihan sa atin ay todo ang ngiti. Isa naako roon. Ako yata ang taong halos lahat ng anggulo ng pagkuha ay iisa, ngiti to the fullest level, kung puwedeng paabutin hanggang tenga, why not? Ang sarap yatang ngumiti at kung may energy ka, tawa ng bonggang-bongga.


Nakakahawa ang ngiti. Kung sakit ito, mas mainam! Ibang klase ang ngiti ng subject ko. Nakakaaliw pagmasdan. I was on my way to our company’s kitchen ng makita ko siyang super ngiti. Alam na niya ang pakay ko, ang mag-request ng kanin para sa aking tanghalian. Dahil wala pa akong naiisip na i-ca-capture for this day, siya ang kinuhanan ko. Presto! May isusulat na ako.



Kumulot muli, kumembot-kembot at nagpaikot-ikot ang isipan kong minsan ay nagiging baluktot. Dahil ayaw ko ng magpasikut-sikot, alam ko na na ngiti ang aking bibigyang saysay. I started to smile. Parang may kumikiliti sa akin at nangingiti na ako. Kapag may nakakita sa akin, malamang sabihing natitimang na naman ako.


Kailan ka ba huling nangiti at napatawa? Hindi ba dapat palagi natin dinadala ito? Sabi nga ni Blessed Mother Theresa na ang ngiti raw ay extension ng pagmamahal sa mga tao. Kakilala man natin sila o hindi. Ang ibang malikot ang utak, may ibang pakahulugan pero hindi naman ngiting mapang-akit ang binabanggit ko. Erase it from your dirty mind! Hahaha!


Ngiti ang pinakamabisang gamot sa taong nalulungkot. Ito rin ang pumupukaw sa ating mga puso upang tanggapin ng maluwag ang anumang hinaing natin sa buhay. Kung matutunan lang nating ngumiti araw-araw o kahit oras-oras pa, tayo na ang pinakamagandang nilalang sa mundo. I tell you, smile is the best make-up. Hindi mo na kailangang pumunta sa mamahaling salon o kahit sa mga kilalang medical centers para maging maganda. Smile ka lang ng bonggang-bongga and then you’ll see how pretty you are! Bonus, make me your friend and I tell you, mapapa-smile ka ng todong-todo! Hehehe…

Walang komento: