Salamat Mr. Willy Luceda aka
Daddy sa pabaon mong “Dave’s Smoked Fish”. Ito ang aking pananghalian kanina na sinabayan ko ng itlog na maalat
(courtesy of Daddy pa rin) at fresh na kamatis. Sarap! Kung ilang taon na rin
akong hindi nakakain nito at sobrang napadami ang kain ko. I used my bare hands
in eating tinapa and salted eggs. Feeling nasa probinsiya akembang!
Ano ang mayroon sa tinapa? Simple
lang, this was Mommy’s favorite. Si Mommy, ‘yung nagpalaki sa akin at
kinagisnan kong nanay. Nostalgic mode na naman ang drama ko today. Tinapa kasi
‘yung pinakamadaling mahanap na ulam dati. Tinapang galunggong at iyong may
kaliskis. Kung ilang beses sa isang linggo namin ito kinakain. Ang pihikan ko
pa nga dati at nagrereklamong palagi na lang bang tinapa? Hindi ko naman masisi
si Mommy dahil wala naman kaming pambili ng ibang ulam. Pilit niyang
pinagkakasya ang kanyang pera para may pambili pa kami ng ibang kailangan sa
bahay. Higit sa lahat para may maibaon pa ako sa eskuwela.
I am certified anak ng tinapa and
I am so proud to be one. Dahil sa tinapa, nagiging matipid kami at may
allowance pa ako sa eskuwela. Crying moment… naalala ko na naman kasi si Mommy,
my dakilang Mommy!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento