Mula sa “one-way glass wall” ng
aking opisina ay naaliw akong pagmasdan ang isa sa mga manggagawa sa kumpanya.
Dahil one way, hindi niya alam na kung ilang minuto ko na rin siya kinukuhanan
at pinagmamasdan. Nakakaaliw pagmasdan ang mga kilos at galaw ng mga tao. At
dahil dito, napakadali nating basta na lang manghusga. Kahit hindi naman talaga
natin kilala ang isang tao, para bang kakilala na lang natin siya at
bigla-bigla ay may masasabi tayo. “Si ganito, si ganyan ay ganoon…”
Kapag may nakitang babae na
makapal ang make-up sasabihin pokpok. Kapag laging nakatawa ang babae sasabihin
malantod. Si lalaki, kapag mahinahon kumilos sasabihin bading. Si lalaki, kapag
may edad na at walang asawa sasabihiang bakla. Kaloka ang mga tao ang daling
manghusga. Sobra!
Ako din naman dati ay
napakadaling manghusga. Isa ako sa nakikisali at ginagawang katatawanan ang
panghuhusga sa kapwa batay sa kanilang kilos at galaw. That was long time ago.
Not now. I’ve learned so many lessons in life. Kung wala ka rin namang
masasabing maganda, manahimik ka na lang.
Blessed Mother Theresa said “If
you judge people, you will have no time to love them.” Kaya nga, paano maisasabog ang bonggang
pagmamahal kung palagi tayong manghuhusga. Tandaan din natin na hindi nakabatay
sa kilos at galaw ang pagkakakilanlan sa isang tao. Ang nilalaman ng puso at
damdamin pati na ng isip ang siyang nagiging sukatan at batayan ng ating
pagkakakilala sa bawat isa.
Minsan nagiging kasabay ng
panghuhusga ay ang panlalait na nakakadurog sa puso ng mga biktima. Naranasan
ko na rin kung paano laiitin. Masakit pakinggan. Kung iisipin mo, para bang
ikaw na ang pinakamahinang tao sa mundo. Hindi ako nagpadaig sa emosyong dala
ng panlalait. Ito pa ang nagsilbing inspirasyon ko para ipagpatuloy ang buhay.
Lahat tayo ay may kakaibang kilos
at gawa. Sa mga kilos na ito natin naipapakita kung sino at ano tayo. Huwag
pakinggan ang sasabihin ng iba, kahit ito ay panlalait at panghuhusga pa.
Maging malaya sa mga kilos at galaw na hindi apektado ang sinumang nakapaligid
sa atin. Kumikilos tayo ng naayos sa sarili nating kagustuhan. Kung apektado
sila, anong pakialam nila?
1 komento:
"If you judge people, you will have no time to love them...", I love this line from Mother Theresa and if all of us will think of this, then we will live in peace and harmony. World Peace!
Mag-post ng isang Komento