Lunes, Enero 11, 2010

ANG DRAMA NG LANGIT





Fabulous birthday to me! It’s the 10th day of 2010, ito ang araw ko. Ewan ko lang kung ganito rin ang pakiramdam ninyo sa tuwing sasapit ang kaarawan ninyo. Parang nalulungkot na hindi maintindihan. Ibig kumawala ng mga iyak. Naghihintay ng mga tawag. Excited sa pag-aabang ng mga messages. Sino ang mga makakaalala, sino ang hindi nakakaalam.


It’s my birthday at alam ko, ang ilan ay nag-iisip na tungkol sa birthday ko ang aking isusulat ngayon. Mga larawan na magsasabing nag-enjoy nga ako! Alam nyo ba kung saan ako excited? Kung ano nga ba ang mailalagay ko ngayon sa blog ko at ano ang shot na maihahatid ko sa inyo.


Alas singko y media ng hapon ng lumabas ako ng aking lungga at doon ko napagwari na kay ganda ng langit. Iba ang dramang hatid ng langit ngayong araw na ito. Papalubog pa naman ang araw. Napaka-dramatic talaga. Ang mga ulap ay tila mga anghel na nagbibigay ngiti sa bughaw na langit at ang sinag ng araw ay ang liwanag na lumilimlim sa mga ito.

Walang komento: