Kahit saan ka mapadako at kahit
saang sulok ng mundo, may Pinoy. Sobrang proud ako sa lahat ng Pinoy na
ginagawa ang lahat at ipinapamalas ang galing sa kahit anong klaseng
pamamaraan. Nakakalat ang lahat ng Pinoy sa kahit na anong industriya at hindi
nagpapahuli sa iba! Bongga talaga ang Pinoy!
Bongga ang Pinoy! Hindi
nagpapaapi at hindi nagiging sunud-sunuran lang sa idinidikta ng iba. Ang husay
ng Pinoy ay kaakibat ng kanyang pagdurusa at pagtitiis para sa pamilya.
Ibang-iba ang Pnoy!
Bongga ang Pinoy! Kumpara sa iba,
tayo ang katangi-tanging lahi na binigyan ng malawak na isipan. Sa halos lahat
ng klase ng trabaho, ang dami nating mga nag-mu-multi-tasking at alam ang kahit
anong bagay. Minsan nga kahit hindi alam, para lang sa trabaho ay pilit aalamin
at pagsasanayan…
Bongga ang Pinoy! Madali tayong
mahalin, madaling makahanap ng kaibigan at kinagigiliwan ng ibang lahi sa
mundo. Madalas ang pagpuri kaysa sa diskriminasyon. At paulit-ulit na
pinalalakas ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Bongga ang Pinoy! Ibang-iba at
proud ako ng bonggang-bongga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento