Kung sa English ako nagsusulat, malamang ibang salita ang maisip ko. Obvious naman di ba? G for gay! Pero sa totoo lang ‘yun naman talaga ang naisip kong salita. Ako ‘yun eh. I am so gay! I am so happy (Pagka-minsan…hahaha!) Para akong estudyanteng nangangapa at naghahabol sa oras para magawa ang aking project. Iba pala ang pakiramdam. Nag-feeling high school ako. At nag-feeling bata-ever!
Pagpasensiyan ang mga choices ko ng words. Alam kong mali rin ang paghahalo ng English at Tagalog sa salita pero queber? I don’t care anyway. Mas masarap yatang magsulat na walang parameters o sinusundang kung ano. Isusulat ko ang gusto ko. ‘Yun lang. Pati ba naman dito ay kailangan pang may pamantayan sa pagsulat ng tama? I will write what I want. I am here anyway para pasayahin kayo at pakulutin ang inyong mga utak. It’s a free, free world! Nagsisimula na naman ang bagong dekada kaya huwag na natin lagyan ng isyu ang kung ano ba talaga ang dapat o kung ano ang hindi. Just be gay! Huwag ng magpakiyeme-kiyeme sa paggawa ng bagay na alam mong makakapagpasaya sa iyo! Para sa mga kritiko, iggit lang kayo…hahaha!
It’s a fifth day project and I feel that I am running out of subject and concept as well. Kapagod din magtutuwad para lang maka-capture ng gusto mo o ng kung ano lang. Wala pa naman akong maayos na camera! Well, kailangan pang mag-ipon to have one.
Pagpasok ko sa trabaho, ang napagdiskitahan ko ay ang bonggang-bonggang letter G sa harapan. Palibhasa iyon ang pangalan ng kumpanyang aking pinapasukan. Nagmamaganda ang kumpanya sa letrang G sa harapan ng reception area. Kaya let’s talk about G!
Ang ganda mo! Ilan na ba ang nagsabi sa iyo ng ganito? Feeling lumilipad ka naman like a butterfly in a blue blue sky kapag nasabihan ng ganito. Pero hindi niyo ba alam na puwede ring maging kabaligtaran ito? Katulad ng salitang nagmamaganda. Ibig sabihin, umayos ka. Although it is our choice na magmaganda-ever pero sabi nga ng ilang friends ko dapat daw huwag magmaganda kung wala sa ayos. Agree ba kayo doon? Kung carry, queber! Kung ‘di carry, no way!
Saan nga ba natin hinuhugot ang ating ganda? Sa mukha bang made of siyensya? O sa lakas ng loob? O sa kaloob-looban ng ating mga bituka at lalamunan? Ganda-ganda! Pagpupuri at panunukso. Mga mapanuring salitang kaakibat ay sandamakmak na kahulugan. Ano nga ba ang maganda? Ano ang kabaligtaran nito? Ang ganda ay nasa tumitingin. “Beauty is in the eyes of the beholder,” ang famous line na gasgas na gasgas na pero sadyang makahulugan. Si Confucious ay nagturan din ng linyang “Everything has beauty, but not everyone sees it.” Siyempre papatalo ba si Hellen Keller sa kanyang napakamakahulugang linya na “The best and most beautiful thing in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart.” Kabog! Gustong-gusto ko ang linya nito. Tumatagos hanggang dulo ng kuko. Pakahulugan na ang bawat bagay ay may angking ganda depende sa kung paano mo ito binibigyang buhay at kung paano nito tinapik ang iyong puso at damdamin.
Ano nga ba ang silbi ng ganda mo kung ang ugali mo ay masahol pa sa ulol na aso? Ano ang gandang magpapasaya sa iyo kung bulok ang laman ng puso mo?
Ang sa akin lang, lahat naman tayo ay maganda kahit ang mga nagmamaganda lang ay maganda rin naman. Isa ako sa mga taong dati ay napaka-pintasero. Sobra ako kung mamintas, may kasama pang lait. I’ve learned to change this attitude habang nagkakaisip ako. Matagal ng panahon iyon. Ngayon, naisip ko lang wala naman talaga tayong karapatang manliit o pintasan ang mga taong para sa atin ay hindi maganda.
Kung ano ang sa tingin natin ay maayos, iyon ang maganda sa atin. Sa iba, ganda ang pinagmumulan ng kanilang kaligayahan. Ganda rin naman ang kanilang puhunan para makahanap ng ikakabuhay. Lahat tayo ay maganda. Lahat ay nagmamaganda. Lahat puwede na ring gumanda. Ang mga may pera, mas lalong gumaganda.
Paano kung maganda ka pero hindi ka naman masaya? Kawawa naman iyong ibang nagpapaganda lang para pagtakpan ang hindi mahanap na tunay na kaligayahan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento