Miyerkules, Marso 10, 2010

WALONG DAAN AT LIMAMPUNG ARAW AT LUGAW



Ito ang pinakaunang pagkakataon na inilagay ko ang mukha ko sa aking PROJECT 365. Hindi ko mapigilang hindi ilagay ang picture ko kasama ang isa sa mga taong dahilan kung bakit kulang na lang ay sumagad ang ngiti ko sa tenga dala ng aking kaligayahan. Isang kaligayahang malapit ng magtapos ngunit payapa naming iiwan ang isa’t isa at pipiliing hanapin ang panibagong kaligayahan sa kung ano ang dapat. Malungkot kung iisipin pero dahil naihanda ko na ang sarili ko sa kahihinatnan nito matagal ng panahon kong natanggap. Masakit, mapait ngunit mapagpalayang pagmamahal.

Oo, ito ang aming ika-850 araw na magkasama. Pinakamatagal na pagsasamang hahantong din naman sa paghihiwalay ng landas. Wala nga kasing permanente at naniniwala ako sa kasabihang there’s no such thing as forever. Ibang saya ang idinulot ang araw na ito dahil madaming nasa puso ni Amrit ang kanyang sinabi dahil kay Kuya. Hindi ko kilala si Kuya, isang pagkakataong hindi nangyari kailan man dahil walang nangahas na magtanong. Tawagan natin si Kuya na Kuya Boy dahil nag-ala Boy Abunda siya sa mga nakakalokang tanong at si Amrit ay nagtila isang artistang sinasagot ang mga issue.

Nagtakaw ako sa lugaw at dahil nagustuhan na rin naman ito ni Amrit ay ito ang pinili naming kainan na minsan lang mangyari. Napakadalang. Maliit lang ang lugar ng kainan kaya nakihati kami kay Kuya sa mesa at siyempre Ms. Friendship ang  lola, mega-upo na kami at basta bigla na lang nagkapalagayan ng loob at buong akala ni Kuya ay Pinoy din si Amrit kaya kinakausap niya ng Tagalog. Nagkatawanan. Sa pagkakatong ito kasi ay may hindi kami pagkakaunawaan ni Amrit dahil hindi niya sinabi kaagad ang eksaktong lugar kung saan siya nanggaling. Naghintay lang naman ako sa kanya ng matagal at super late ang lolo sa pagdating at ako naman ay na-high-blood na naman at nagtatalak ever. Ugali ko ng magtatalak, parang inang galit na galit sa anak. Heto ang ilang usapang nagpataba ng puso ko at nagpasaya. Dahilan para hindi ko na buksan ang issue kung bakit late si Amrit at kung saan siya pumunta:

Kuya: I thought you’re Filipino.
Amrit: Hahaha. That’s the usual impression. Do I look like one?
(sumabad ako, nagsalita ng Tagalog.
Ako: Ngayon lang Kuya dahil matagal na niya akong nakasama pero dati hindi yan mukhang Pinoy.
Amrit: What did you say?
Kuya: He told me that you look like Filipino just recently not like before the first time you’ve met. How long have you been together?
Amrit: 2 years and a quarter.
Ako: 850 days.
Kuya: That’s good to hear. A Filipino and a Nepali. So, how’s life being with him, este with her? Hehehe.
Amrit: Wallei is so caring, loving and a type of a person you’ll easily fall in love with.
Ako: May ganon? Ngayon ko lang narinig sa kanya ‘yan.
Kuya: I can see how happy you are together. Do you speak Filipino? Do you know any phrases in Tagalog?
Amrit: Yeah. Kumusta ka?
Kuya: That’s good. What else?
Amrit: Sige na. Naman eh. Some sort of expressions usually I hear from Wallei.
Kuya: Is there anything you want to tell?
Amrit: Mahal Kita.
Kuya: Do you know the English translation of that?
Amrit: Of course. I love you.
Kuya: To whom do you want to tell that?
Amrit: To the person beside me.
Ako: Hahaha. May ganyan talaga? Kaloka!
Amrit: You know that.
Ako: I feel it. Even if you don’t say. I know.
Kuya: Wow! To think that you both belong to different nationalities makes me wonder how you managed to be together. Saan ka ba nakatira?
Ako: Sa kanya ako umuuwi. Pero may inuupahan akong flat para may uuwian pag nag-away. I stay there during weekends. Day off ko sa kanya.
Ako: I think I need to take photos. Kuya, kunan kita.
Kuya: Hahaha. May ganyan. Camera shy ako.
Ako: Sige na. Kunan ko din kayo ni Amrit. Kuhanan mo din kami.
Kuya: Hindi ko alam camera mo.
Ako: I-set ko tapos press mo na lang.
Kuya: Sige.
(Natapos ang picture galore.)
Kuya: Maiwan ko na kayo. Nice meeting you Amrit and Wallei. You look happy together.
Ako: Salamat kuya. I-blog ko ito, ha!
Kuya: Sige. Paalam.

This is another unforgettable memory, which I will forever cherish. Salamat sa lugaw at sa walong daan at limampung araw ng saya, minsa’y madrama, may iyak, may away pero sa bandang huli pag-ibig pa rin ang nangingibabaw. Parang ayaw ko ng matapos ito.

Walang komento: