Mula sa balkonahe ng ikawalong
palapag ng aking tinutuluyan ay napagmasdan ko kung paano unti-unting nilalamon
ng dilim ang araw. Ang araw na sa buong maghapon ay ngumiti sa akin ay tila
baga iiyak na naman sa pagsapit ng dilim. Sa kinabukasan ay muling sisilip. Naisip
ko lang na ang araw at gabi ay tila baga mukha ng buhay. Kung saan may saya ay
may lungkot rin naman. Muli sa bawat kalungkutan ay may ligayang hatid ng hindi
namamalayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento