Miyerkules, Mayo 5, 2010

ANG FABULOZANG SALOOBIN KO NGAYONG HALALAN

My vote is a vote of my conscience and a vote straight from my heart using my head. I don’t care with manipulated surveys. Bogus advertisements do not matter. Black propaganda against each other is a desperate move. Isn’t it obvious who really worked hard, working very hard and have the capacity to improve the decaying system of our government? We need leader who will lead, not a leader who will follow the dictate of the people that surround him. We need somebody with a strong political will. A leader that will direct and firm in saying NO if he really knows NO is the best decision to do, not to say YES to please everyone… Wake up KABAYAN! We need GOod and gReat leaDer for Our bayaN! Kung love mo ang BAYAN Iboto ang nararapat. Aksiyon ang kailangan, hindi pangakong sinasabi lang…

Kailangan natin ang lider at hindi ang tagasunod lang. Lider na kayang manindigan sa kanyang desisyon. Lider na kayang gumawa ng aksiyon na hindi kikiling sa anumang panig ng maling paniniwala para masunod lang ang kagustuhan sa sariling interes. Buksan natin ang ating mga mata ng bonggang-bongga at pakinggan ang sinasabi ng ating puso na ginagamit ang utak. Huwag nating hayaang palaging maging emosyonal at ilagay sa puso ang awa dahil hindi tayo makakausad. Para din iyang pag-ibig na kadalasan kapag awa ang umiiral hindi ito nagiging matagumpay. Ang lider, hindi sumusunod sa dikta ng nasasakupan pero bukas tengang nakikinig sa hinaing ng bawat isa at bukas ang puso sa pangangailangan at may simpatiya. Ang lider ay hindi santo o anghel na hindi puwedeng magalit o mag-react sa bawat kamaliang nagawa ng mga tagasunod nito. Isa itong natural na damdamin at reaksiyon na nararamdaman nating lahat.

Hindi na 80’s o 90’s ngayon. Iba na ang panahon at may global warming na nga. Maging mapagmatiyag at maging mapanuri sa taong iluluklok sa puwesto. Sino ba ang presidente mo?

Inaamin kong halos maging maka-Noynoy ako dahil kay dating Pangulong Cory. Kung ilang buwan din akong nanahimik at hindi namamakialam sa isyu ng pulitika. Ang daming mga wall postings sa facebook, ang daming blogs. Pikit mata pa rin ako at parang walang pakialam. Nanonood ako ng mga news, ang ilang harapan sa mga kandidato ay matiyaga kong pinanood at pinakinggan kung paanong ang bawat isa ay tila bagang nagbebenta ng produkto at hinihimok tayo bilang mga mamimili.

Hindi ako nagpapadala sa mga salita at kung may bibilin ako, pinag-iisipan ko muna. Kailangan ba talaga ito o sasayangin ko lang ang pera ko? O nagpadala lang ako sa nakita kong larawan sa mga magazines at minsang mapanlinlang na TV ads?

Sorry, pero hindi ko talaga gusto si Villar. Hindi na ako magpapaliwanag. Maraming rason at ayaw ko namang manira. Isa pa, hindi ko naman talaga siya kilala maliban sa siya ang big boss ng kaibigan ko at madalas akong makasama sa mga open house sa Camella Homes.

I appreciate Erap efforts in helping the poor and for having a heart. Pero hanggang doon lang iyon. Uto-uto ba tayo na matapos magsiaklas noong 2001 para patalsikin siya sa kung anumang paratang ay heto na naman at ibabalik pa. Nakakaloka naman tayo!

Noong nakaraang linggo lang, halos convinced na ako na si GIBO ang iboboto ko. Parang sure na sure na ako na siya nga. Galing at Talino! Ngayon, ano ang silbi ng galing at talino mo, ng mga pinag-aralan mo kung walang AKSYON? Naisip ko lang, darating ang oras para kay GIBO, may ibubuga naman talaga and he’s the man. Dahil green siya katulad ng mangga, kailangang mahinog pa para naman masarap-sarap at nakakagana. Hihintayin kita GIBO at habang hinihintay ko ang pagbabalik niya ay doon naman ako sa nag-aapoy na pula at nakakapaso, nag-uumalab at halos hinog na.

Honestly, the wall postings of my Kumareng Gem Victoria were so convincing at naisip ko nga, hanep ang kumare ko at talaga namang kuntodo suporta. Tagging here there and everywhere at ang dami kong notifications. Hanggang magkaroon ako ng bonggang oras ay inisa-isa ko lahat basahin, nanood ng mga videos at kagabi nga lang natapos at hanggang maisipan kong buhayin ulit ang aking blog at isulat ang saloobin ko. Gusto-gusto kong ulit-ulitin ang mga discussions sa board. May mga mapanira siyempre at brutal na mga comments pero kasabay nito ay ang paggana ng puso ko kasabay daloy ng dugo sa utak ko. Si GORDON nga ang kailangan ng bansa!




6 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

it's a wise decision. Ilang araw na lang at eleksyon na.. Spread the word. Gordon must win!

MeAnn ayon kay ...

i really felt bad when INC supported NOYNOY.. tama ang sinabi mo, hindi sympathy ang kailangan kaya natin iboboto ang isang kandidato.. for me kasi, hindi pa rin hinog si NOYNOY para maging mabisang pinuno ng bansa..

Ara ayon kay ...

tama un! may ilang araw pa! Marami n rin akong nababasang mga saloobin katulad nito, at kagaya mo isusulat ko din ang aking saloobin sa aking blog hehe... Mabuhay si GORDON! Sya tlaga ang kelangan natin laht! Sigurado ang tunay na pagbabago, pag sya ang gumawa! Sana nmn marami pang maniwala s kanya! Marami na syang napatunayan pero nagbubulag bulagan pa rin ang karamihan. Haay...Basta ako manalo matalo, hindi ako magsisisi...sa aking decisyon iboto sya. =)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

can i borrow the picture? i really love to spread and tag it to my friends. don't worry i'll put a link into it. :)

good blog here. tama! we should speak up and let our voices be heard. :)

Mark Pere Madrona ayon kay ...

This is my first comment on any of your posts. First time ko rin bumisita rito. Paano ba naman, you never told me that this existed. :-(

Anyhow, let me share my views. Gordon, along with Teodoro and Villar, were my choices for president last 2010. As the past two years have shown, I am convinced that any among them would have become a better leader than Aquino. Sana by 2016, hindi na madadaan ang mga Pinoy sa sympathy. OK na ang leader na walang charisma basta action doer! :)

Giovanni Carlo ayon kay ...

Parang nagkatotoo ang prediction bro kasi hindi na Aquino nanalo sa 2016 plan talaga nang Panginoon para linisin ang Pinas
freya camella