Lunes, Mayo 24, 2010

BONGGANG TULA PARA KAY NANAY

Mga larawang kuha ni Maan Trinidad-Amigleo


Sangkaterbang gawain
Paglalaba…
Pamamalantsa…
Pati pagtitinda…
Nag-eskoba, nagluto at nanahi pa,
Binihisan mo kami ng bongang-bongga!
Duktora ka kapag kami ay may sakit
Kahit masama ang timpla’y niyayakap mo kaming pilit
Isa ka ring guro sa tuwing sasapit ang gabi
Walang alinlangang mahal na mahal mo kami
Alam kong lahat kung ano ang iyong pinasok
Lahat ay ginawa ng buhay ay mairaos
Tinda dito, alok doon, lakad dito, sadsad doon
May pagkain sa hapag, sa eskuwela’y may baon.
Huwag mangunsumi sa kung ano kami ngayon
Ang mahalaga’y masaya ka
Sama-sama tayo boong panahon…

Maligayang Kaarawan Nanay!

Larawang kuha ni Maan Trinidad-Amigleo

3 comments:

phynkee ayon kay ...

Maligayang kaarawan sa iyong dakilang Ina! napakagandang tula para sa isang minamahal na nanay.

wallei ayon kay ...

Salamat Ate Phynkee... Ina ka rin tulad ng nanay ko at saludo ako sa kabayanihang dulot ng pagiging isang Ina... *yakap* mula sa akin...

Joyo ganda :)) ayon kay ...

ang cool ni mudra wagi!