Lunes, Mayo 24, 2010

BONGGANG TULA PARA KAY NANAY

Mga larawang kuha ni Maan Trinidad-Amigleo


Sangkaterbang gawain
Paglalaba…
Pamamalantsa…
Pati pagtitinda…
Nag-eskoba, nagluto at nanahi pa,
Binihisan mo kami ng bongang-bongga!
Duktora ka kapag kami ay may sakit
Kahit masama ang timpla’y niyayakap mo kaming pilit
Isa ka ring guro sa tuwing sasapit ang gabi
Walang alinlangang mahal na mahal mo kami
Alam kong lahat kung ano ang iyong pinasok
Lahat ay ginawa ng buhay ay mairaos
Tinda dito, alok doon, lakad dito, sadsad doon
May pagkain sa hapag, sa eskuwela’y may baon.
Huwag mangunsumi sa kung ano kami ngayon
Ang mahalaga’y masaya ka
Sama-sama tayo boong panahon…

Maligayang Kaarawan Nanay!

Larawang kuha ni Maan Trinidad-Amigleo

Martes, Mayo 11, 2010

ASAHAN NINYO...

Natapos na ang halalan. Iba sa kung ano ang mayroon dati. Kung ilang beses na rin akong nakaboto at ilang beses na ring umupo bilang poll clerk. Hi-tech na masyado at nakisabay din ang social networking sites. Updated ang lahat sa kung ano ang nangyayari dito, doon at kung saan. May videos, may pictures at may shout-out sa facebook, twitter, etc.

Pagkatapos nito? Ano na naman kaya ang susunod? Sino ang tatanggap ng pagkatalo? Sino ang mananalo? Sino ang dinaya? Sino ang nandaya? May mga nasaktan ba? May mga nasugatan? Panalangin kong wala sanang nagbuwis ng buhay.

Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi kayang panindigan ang sariling desisyon at makapag-isip kung sino ang nararapat. Ilang milyon din ang nagka-memory loss at bigla nakalimutan ang mga pinagdaanan at nangyari noon. Sa bandang huli, lahat isisi sa Pangulo ng Pilipinas ang lahat ng problemang darating at biglang kinalimutan din na sila ang nagluklok dito.

Asahan ninyong marami na namang mga kung anu-anong pagpipiket, rally at mga pakikipaglaban na magaganap. Laging ganito ang eksena, walang pagkakaisa, uubusin ang oras sa pakikibaka sa lansangan at sasabihing si Pangulo ay pababain sa puwesto.

May mga impeachment complains na naman tiyak. Uubusin ang oras sa hearing ng mga pinararatangang tiwali at bigla makakalimutan ang sitwasyon ng bansa.

Asahan nyong may mga election hearings na magaganp, may imbestigasyon dahil dinaya daw ang ilan. Mauubos na namn ang oras at ang pondo ng gobyerno sa mga ganitong alingasngas at bigla makakalimutan na ang mga taong tirik na ang mga mata sa gutom.


Ang nanalong Pangulo, hindi pa nag-iinit ang puwit sa puwesto, pababaing pilit at hahainan ng mga impeachment complains. Magkakagulo ang kongreso, yes or no. May titiwalag, may babalimbing at may mag-wa-walk-out na naman. May mangigigil, may lalabas na bayani at may iiyak… baka may sumayaw pa!

Paulit-ulit lang naman. Ilang termino na ba ng Pangulo ang naranasan ko? Habang tumatagal, lalong tumitindi. Nakakasawa at nakakasuka.

Ang mga pulitikong pinagkatiwalaan ng tao at nagpabilog sa ulo ng mga ito ay siyang mga taong maghahatid ng malaking gulo sa ating bansa. Ang lahat sa kanila isisisi at bigla nakalimutan na sila mismong nagsisipag-aklas sa kalye ay sila rin mismong bumoto at naghalal dito.

Habang tumatagal lalong nabubulok ang sistema ng ating gobyerno. Habang may mga buwaya at mga mapagsamantala, hindi tayo titino. Kawawa ang bansa at kawawa ang mga taong nadadamay sa mas maraming porsiyento ng mga walang alam at pumapayag na maloko.

Asahan ninyong lahat na paulit-ulit lang iyan. Dahil ang mga binoto ninyo ay siya ring nakaupo sa mga nagdaang termino. Asahan ninyong lalago ang lahat ng kanilang negosyo, at ang mga Pilipino, dadami ang magugutom, lalong maghihirap at malulugmok na naman ang bansa at hindi na makakaahon.

Tayong tao rin naman ang may kagagawan. Kayo, sila… lahat kayong hindi nag-isip at nagpadala sa kung ano ang uso, kung sino ang patok at sino ang sikat.

Labis pa naman ang aking pag-asa na may kakaharaping bukas ang bansa at may liwanag pang magbubukas. Akala ko ay hihinto na ako sa pangingibang bansa at sa Pilipinas bubuo ng mga pangarap. Ang lahat ay boong akala lang pala. Habang pinapanood ko ang resulta, ako ay nahihiya, nagugulat at sa puso ko ay tila baga may kumukurot. Nasaan ang mga matatalinong Pilipino? Naubos na ba?

Nakakapanlumo. Bakit pagdating sa pulitika ang tanga nating mga Pilipino? Umaalingasaw ang baho at nakakasuka. Bongga pa naman tayo sa ibang aspeto at laging taas noong nakikipagtunggali saang sulok man ng mundo.

Sa pagkakataong ito, marami tiyak ang natatawa dahil sa resulta ng halalan. Ang tanging dalangin ko lang, kahit marami na ang nagpakatanga sa pulitika, hinihiling ko pa rin at ipinagdadasal ang patnubay ng Makapangyarihan sa lahat. Magkaroon ng himala at hugasan ang mga tuyot na utak ng marami sa atin at magkaroon naman ng bagong liwanag ang bansa. Paano na kaya?

Lunes, Mayo 10, 2010

MGA FABULOZANG PAALALA NI MOMMY AT NI NANAY



Ang suwerte ko. Lumaki akong dalawa ang nanay. Si Mommy, hindi man pisikal kong kasama, alam kong nakabantay lang sa tabi ko at nakasubaybay at sa bawat desisyon ko sa buhay, sa bawat katanungang babagabag sa isipan ko, magpaparamdam o hindi kaya kakausapin ako sa panaginip. Si Nanay, nag-uusap naman kami. Mahina nga lang ang pandinig minsan at tuwing nag-uusap kami sa telepono para kaming nagsisigawan. Normal lang iyon. Ganoon lang talaga kami. Dala ko hanggang ngayon ang malakas na boses at parang galit kahit hindi. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, malamang nasuntok na ako o kaya ay nasabuyan ng tubig.

Mother’s day ngayon. Nag-isip ako kung ano ang isusulat ko. Ang daming nagsalisalimuot sa utak ko. Nalito. Sa mga pinakahuling sandali, heto na nga nagsusulat na at paninindigan kong hindi mag-drama. Lagi na lang bang drama? Kapagod maging artista sa sariling mundo. Emote dito, emote doon. Para naman maiba, iisa-isahin ko na lang ang mga paalala ni Mommy at ni Nanay habang lumalaki ako.



Si Mommy at ako. Mga alaala naming dalawa.

Si Mommy, kahit noong nagtatrabaho na ako lagi akong sinasabihan na MAGPAKATINO RAW AKO. Siguro ramdam naman talaga niyang may tama ako sa utak at madalas sinusumpong. Ang isasagot ko, “Luka-luka ba ako Mommy?”

Mga natatandaan kong madalas sabihin ni Mommy:

HUWAG KANG MAGPAPALOKO kung kani-kanino. HUWAG KA NGANG MAGASTOS dahil hindi pinupulot ang pera. NANGINGINTAB ANG MUKHA, LAGYAN MO NG PULBOS. LAGI KANG MAGDASAL. HUWAG KANG BURARA. Huwag nakikita lang ang dapat mong linisin dapat yung sulok-sulok. KUMAIN KA NG GULAY HINDI PURO KARNE. HUWAG KANG PIHIKAN SA PAGKAIN hindi tayo mayaman. MAG-ARAL KANG MABUTI. HUWAG MONG SINASAGOT  ang daddy mo. HINDI BALING MATAKAW, HUWAG LANG MAYABANG.


Paano ko sinunod ang mga pangaral ni Mommy:

Hindi ako nagpapaloko. Magastos lang ako sa mga lotion at pamahid sa mukha. Minsan pagkain din. Hindi ako nagpupulbos Mommy, foundation pwede pa! Hahaha! Umaga, tanghali, gabi… parati akong nagdadasal. Tinatamad lang ako minsan. Hindi naman ako ganoon kadumi. Ayoko na ng sulok para wala na akong linisin. Hahaha! Nirayuma na nga ako. Mahilig na ako sa gulay ngayon! Yehey! Lahat kinakain ko, kahit tira lang. Hehehe. Nag-aral akong mabuti. Hindi ko na sinasagot si Daddy, mabait na kasi siya ngayon. Matakaw ako. Hehehe.


Bonding with Nanay.


Mga pangaral ni Nanay:

HUWAG KAYONG MAG-AWAY na magkakapatid. MAHALIN MO MOMMY MO. Kayu-kayo lang ang magmamahalan. PAGPASENSYAHAN N’YO NA SI MARLON, kayo naman ang matanda. KAKAUSAPIN MO ‘YUNG TATAY MO. Akala mo lang di ka niya mahal pero proud iyon sa iyo. HUWAG TIPIRIN ANG SARILI SA PAGKAIN. MAGPAKALALAKI KA!

Paano ko sinunod ang pangaral ni nanay:

Hindi kami nag-aaway na magkakapatid. Minsan lang, mga larong away. Walang seryosong awayan. Alam ni Nanay na mas higit kong minahal si Mommy. Sobra-sobra. Oo, pinagpasensiyahan nga namin si Marlon. Tuloy, spoiled at naging pasaway! Kaloka. Ano naman sasabihin ko kay Tatay? Hindi naman ako nagtitipid sa pagkain. Mas marami nga lang akong binibiling pamahid kumpara sa pagkain. Hehehe. Ano raw? Gawin ba akong maton?



Huwebes, Mayo 6, 2010

MGA LINYANG IAALAY SA PANGULO




Ngayon ay makakagawa ako ng mga linyang
Iaalay kay GORDON
Mga linyang kaakibat ay pananalig
Ilang araw bago ang halalan
Ay dadaloy ang dugo mula sa puso
At tutuloy sa utak ng lahat ng matitino…

Buong pusong iaalay ang matimyas na hangaring
Iangat ang pagbabago at isulong ang kaunlaran
Sa mga mata ni GORDON ay masusumpungan
Buong pusong makikinig at bukas matang titingnan
Ang lahat ng problemang sa bansa ay nakaatang…

Ang mga umiibig sa Pilipinas
Ay matalinong nag-iisip
Kasabay ang panalanging may pag-asang hatid
Hindi pabubuyo sa mga naririnig
Paninindigan ang prinsipyo ng pilit.

Pagaganahin ang isip, pakikinggan ang puso
Sa utak dadaloy ang dugo
Mag-aalab ang hangaring magkaroon ng pagbabago
Si GORDON lang ang dapat iboto
Isulong ang karapatan ng lahat ng tao.

Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi bukas, may pupuntahan pa ba?
Huwag paalipin sa mga maling pambubuyo
Paganahin ang utak, pakinggan ang puso
Ibigay ang suporta sa Arkitekto ng Pagbabago
Si GORDON lang dapat ang maging PANGULO!

Miyerkules, Mayo 5, 2010

ANG FABULOZANG SALOOBIN KO NGAYONG HALALAN

My vote is a vote of my conscience and a vote straight from my heart using my head. I don’t care with manipulated surveys. Bogus advertisements do not matter. Black propaganda against each other is a desperate move. Isn’t it obvious who really worked hard, working very hard and have the capacity to improve the decaying system of our government? We need leader who will lead, not a leader who will follow the dictate of the people that surround him. We need somebody with a strong political will. A leader that will direct and firm in saying NO if he really knows NO is the best decision to do, not to say YES to please everyone… Wake up KABAYAN! We need GOod and gReat leaDer for Our bayaN! Kung love mo ang BAYAN Iboto ang nararapat. Aksiyon ang kailangan, hindi pangakong sinasabi lang…

Kailangan natin ang lider at hindi ang tagasunod lang. Lider na kayang manindigan sa kanyang desisyon. Lider na kayang gumawa ng aksiyon na hindi kikiling sa anumang panig ng maling paniniwala para masunod lang ang kagustuhan sa sariling interes. Buksan natin ang ating mga mata ng bonggang-bongga at pakinggan ang sinasabi ng ating puso na ginagamit ang utak. Huwag nating hayaang palaging maging emosyonal at ilagay sa puso ang awa dahil hindi tayo makakausad. Para din iyang pag-ibig na kadalasan kapag awa ang umiiral hindi ito nagiging matagumpay. Ang lider, hindi sumusunod sa dikta ng nasasakupan pero bukas tengang nakikinig sa hinaing ng bawat isa at bukas ang puso sa pangangailangan at may simpatiya. Ang lider ay hindi santo o anghel na hindi puwedeng magalit o mag-react sa bawat kamaliang nagawa ng mga tagasunod nito. Isa itong natural na damdamin at reaksiyon na nararamdaman nating lahat.

Hindi na 80’s o 90’s ngayon. Iba na ang panahon at may global warming na nga. Maging mapagmatiyag at maging mapanuri sa taong iluluklok sa puwesto. Sino ba ang presidente mo?

Inaamin kong halos maging maka-Noynoy ako dahil kay dating Pangulong Cory. Kung ilang buwan din akong nanahimik at hindi namamakialam sa isyu ng pulitika. Ang daming mga wall postings sa facebook, ang daming blogs. Pikit mata pa rin ako at parang walang pakialam. Nanonood ako ng mga news, ang ilang harapan sa mga kandidato ay matiyaga kong pinanood at pinakinggan kung paanong ang bawat isa ay tila bagang nagbebenta ng produkto at hinihimok tayo bilang mga mamimili.

Hindi ako nagpapadala sa mga salita at kung may bibilin ako, pinag-iisipan ko muna. Kailangan ba talaga ito o sasayangin ko lang ang pera ko? O nagpadala lang ako sa nakita kong larawan sa mga magazines at minsang mapanlinlang na TV ads?

Sorry, pero hindi ko talaga gusto si Villar. Hindi na ako magpapaliwanag. Maraming rason at ayaw ko namang manira. Isa pa, hindi ko naman talaga siya kilala maliban sa siya ang big boss ng kaibigan ko at madalas akong makasama sa mga open house sa Camella Homes.

I appreciate Erap efforts in helping the poor and for having a heart. Pero hanggang doon lang iyon. Uto-uto ba tayo na matapos magsiaklas noong 2001 para patalsikin siya sa kung anumang paratang ay heto na naman at ibabalik pa. Nakakaloka naman tayo!

Noong nakaraang linggo lang, halos convinced na ako na si GIBO ang iboboto ko. Parang sure na sure na ako na siya nga. Galing at Talino! Ngayon, ano ang silbi ng galing at talino mo, ng mga pinag-aralan mo kung walang AKSYON? Naisip ko lang, darating ang oras para kay GIBO, may ibubuga naman talaga and he’s the man. Dahil green siya katulad ng mangga, kailangang mahinog pa para naman masarap-sarap at nakakagana. Hihintayin kita GIBO at habang hinihintay ko ang pagbabalik niya ay doon naman ako sa nag-aapoy na pula at nakakapaso, nag-uumalab at halos hinog na.

Honestly, the wall postings of my Kumareng Gem Victoria were so convincing at naisip ko nga, hanep ang kumare ko at talaga namang kuntodo suporta. Tagging here there and everywhere at ang dami kong notifications. Hanggang magkaroon ako ng bonggang oras ay inisa-isa ko lahat basahin, nanood ng mga videos at kagabi nga lang natapos at hanggang maisipan kong buhayin ulit ang aking blog at isulat ang saloobin ko. Gusto-gusto kong ulit-ulitin ang mga discussions sa board. May mga mapanira siyempre at brutal na mga comments pero kasabay nito ay ang paggana ng puso ko kasabay daloy ng dugo sa utak ko. Si GORDON nga ang kailangan ng bansa!