Ang Pasko ay isang magandang kaugaliang ipinagdiriwang nating mga Filipino. Ang simpleng pagtakda ng pagbabago ng oras at panahon kung kailan pumapayag ang lahat na huminto sa paghahanapbuhay at sama-samang magsaya ay isang kaugaliang matalino at para sa lahat. Tinutulungan ito na madama ng bawat isa ng higit na kahalagahan ng ordinaryong pamumuhay mula sa indibidwal na pamumuhay.
Handa ka bang ibigay ang araw ng Pasko sa mga taong kapus-palad? Handa ka bang ibigay ang kasiyahan sa kanila? Handa ka ba at taos sa iyong puso ang paghahandog ng mga bagay na mas alam mong kailangan ng mga kapatid mong kapus-palad, naghihirap at nagdurusa? Kung gayon kaya mong panatilihin ang Pasko.
Sa mga darating na araw bago ang pagsapit ng Pasko, handa ka bang mag-ukol ng mga panalangin sa iyong mga kaaway?, kaibigan at mga kapatid na naghihirap? Taos ba sa iyo ang pagsasara ng aklat ng mga hinaing laban sa pagtakbo ng mundo at magaganap sa iyong lugar kung saan maaari kang magtanim ng ilang butil ng kasiyahan?
Handa ka bang gawin ang lahat ng ito kahit isang araw man lang? Pumapayag ka ba na ang pag-ibig ang pinakamalakas na bagay sa mundo, mas malakas sa masama at kamatayan? Kung gayon kaya mong panatilihin ang Pasko.
At kung kaya mong gawin ang lahat ng ito sa araw ng Pasko, bakit hindi sa araw-araw?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento