Huwebes, Nobyembre 18, 2010

Pilipinas Kay Ganda Logo, Kopyang-Kopya sa Poland na Polska!

Napakadaming Filipino na mahuhusay sa graphic design. Kahit mga bata sa elementary kapag pinagawa mo ng logo para sa "Pilipinas Kay Ganda" ng Department of Tourism mas makakagawa ng mula sa isip, galing sa puso at hindi kinopya. Sino kaya ang responsable sa panggagayang ito? 


My apology to Poland Official Travel Website for this logo.


Pumalpak na nga sa slogan, nanggaya pa sa logo. Sobrang halata, nilagyan lang ng paa ang L at pinalitan ng dahon ng niyog, pinaghiwalay ang waves, tinanggal ang bundok at nilagyan ng araw na bilog! Iba nga naman ang dating pero, ano ba? Halata pa rin. Hindi naman tayo tanga para hindi mapansin.

Ito ang slogan at logo ng Department of Tourism na naging kontrobersiyal.

Sa loob ng ilang minuto, gamit lamang ang Microsoft Publisher, gumana ang isip ko at heto angnaisip ko. Maaring Hindi kasing husay ng iba, pero at least hindi kinopya.

May connect sa aking blogsite. O di ba?

At kung gustong gamitin talaga ang salitang Pilipinas, heto lang ang masasabi ko:
O, di ba panalo?
Sana naman pag-isipan ng Department of Tourism kung ano talaga ang nais nilang mangyari at malaman nilang hindi ito katulad ng laro.

5 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nanghihikayat tayo ng mga turista para bumisita sa bansa natin pero hindi naman natin sila kayang proteksyonan kapag nandito na sila.

hindi ba maraming pilipino ang lumalabas ng bansa para maging turista sa ibang lugar? bakit hindi natin hikayatin ang kapwa natin pilipino na unahing bisitahin ang magagandang tanawin sa pilipinas? bakit ba mas gusto nating puntahan ang ibang bansa kaysa bansa natin?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

OMGWTFPhilippines!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Vielen Dank für die tolle Information! Ich würde nicht anders entdeckt haben!

Joyo ayon kay ...

hahaha pati ba naman logo pinapirate na!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tama dpat unahin ntin ang ating pilipinas kaysa sa iba