Lunes, Disyembre 27, 2010

PAGKALIPAS NG LABING-WALONG TAON

May panahon para sa lahat. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay darating ito ng kusa, inaasahan man ngunit hindi kasing saya ng kung ano ang naiisip lang. Mas masaya ang pangyayaring bigla. Nakakatuwa at nakakataba ng puso.

Kung ilang buwan din itong napag-usapan. Salamat sa facebook at nabigyan ng pagkakataong magkausap-usap ang mga matagal ng hindi nagkikita at nagkaroon ng puwang na magkaisa at pag-usapan ang pinananabikang reunion.

At sinumulan na nga ang pagpo-post ng kung anu-ano. Nagkamali pa nga sa pagbilang ng taon at ako ang siyang salarin. Labingpito ang naging bilang ko, labing walo pala. naitama naman sa bandang huli at sa 2012, saktong dalawangpung taon. 

Paano tatakbo ang reunion? Sino ba ang mag-aasikaso? Sino ang mamumuno? Paano ang mga gastusin? At heto ang ilan sa mga naging usapan sa thread:
Sa pangunguna ni Wena na matiyagang nangumbinsi para sa mga gustong magbigay ng pledge, nagkaroon ng linaw ang lahat. May pag-asang nakita at mukhang ako na nga ang talagang hinihintay para mabigyang buhay ang inaasam-asam na reunion.



At ako ay gumawa ng invitation at isa-isang ipinamigay, ipinabigay at ikinalat...


May mga nag-inarte, may mga kung anu-ano kaming narinig pero wala akong pakialam. Sa mga gustong pumunta at gusto magkita-kita, ang lahat ay welcome. 

Martes, Disyembre 14, 2010

SI MOMMY ROSE AT ANG KANYANG MGA KAYAMANANG NAKATAGO



Noong huling bisita ko kay Mommy Rose, binuksan niyang muli ang kanyang mga kayamanang pinakaiingat-ingatan, mga sulat at kapirasong mensaheng maingat niyang itinatago. Marami dito ay galing sa akin noong kapanahunan ko ng college, di masyadong uso ang text dahil wala akong cellphone at mahal pa ang bayad sa internet. Nakakatuwang pagmasdan ang mga nakasulat. Sweet pala ako! Hahaha! Ito yung dalawang sulat na ibinigay ko kay Mommy Rose noong 2000 at 2010. Si Mommy Rose ang aking land lady na nagturing sa akin bilang kanyang anak. Masarap makipagkuwentuhan sa kanya dahil para akong nakakarating sa kanyang panahon.

Mahilig akong magsulat. Mahilig gumawa ng mga simple notes sa kahit anong kapirasong papel. Ito ang aking old version ng text messages at wall post ng facebook. Masarap makatanggap ng sulat na pinaghirapan dahil damang-dama mo ang pagmamahal. Nakatago lahat ang mga mensahe at sulat kong natanggap simula ng ako ay Grade five. Kayo mahlig din bang magsulat?

Huwebes, Disyembre 9, 2010

ANG PINAKAMAGAGANDANG PAROL: ANG PAMIMILI


Ito ang mga napili kong Parol na siyang magiging finalists para sa "Ang Pinakamagandang Parol sa Balat ng Lupa", sadyang hindi ko muna kinilala ang mga may-ari ng Parol at namili ako ng mga batang hahawak nito para sa pagkuha ng larawan.

Nagpunta ako sa paaralan kung saan ako nagtapos ng elementarya at bilang isang programa para sa Pasko at para sa mga batang mag-aaral dito, sinimulan ko na ang mga finalists para sa "Ang Pinakamagandang Parol sa Balat ng Lupa" na sa pakikipag-ugnayan ko sa kasalukuyang principal ng Pulo si Gng. Nida Trinidad-Valcos na mas tinatawag kong Ate Nida ay nasimulang maisakatuparan ang proyekto.

Huwebes, Nobyembre 18, 2010

Pilipinas Kay Ganda Logo, Kopyang-Kopya sa Poland na Polska!

Napakadaming Filipino na mahuhusay sa graphic design. Kahit mga bata sa elementary kapag pinagawa mo ng logo para sa "Pilipinas Kay Ganda" ng Department of Tourism mas makakagawa ng mula sa isip, galing sa puso at hindi kinopya. Sino kaya ang responsable sa panggagayang ito? 


My apology to Poland Official Travel Website for this logo.


Pumalpak na nga sa slogan, nanggaya pa sa logo. Sobrang halata, nilagyan lang ng paa ang L at pinalitan ng dahon ng niyog, pinaghiwalay ang waves, tinanggal ang bundok at nilagyan ng araw na bilog! Iba nga naman ang dating pero, ano ba? Halata pa rin. Hindi naman tayo tanga para hindi mapansin.

Ito ang slogan at logo ng Department of Tourism na naging kontrobersiyal.

Sa loob ng ilang minuto, gamit lamang ang Microsoft Publisher, gumana ang isip ko at heto angnaisip ko. Maaring Hindi kasing husay ng iba, pero at least hindi kinopya.

May connect sa aking blogsite. O di ba?

At kung gustong gamitin talaga ang salitang Pilipinas, heto lang ang masasabi ko:
O, di ba panalo?
Sana naman pag-isipan ng Department of Tourism kung ano talaga ang nais nilang mangyari at malaman nilang hindi ito katulad ng laro.

Lunes, Nobyembre 15, 2010

Blog Action Day: Bayang Minasaker

[Original Photo Credit: Bulatlatdotcom] Paumanhin kay Luna Mon sa paggamit ko ng
larawan. Na-grab ko mula sa kanyang Facebook Wall.
Bilang paggunita at pakikiisa sa paghingi ng hustisya para sa mga nagbuwis ng buhay sa Hacienda Luisita, inilalaan ko ang espasyong ito at ang araw na ito bilang tugon sa panawagan para sa Blog Action Day.

Bukas, saktong anim na taon na mula ng ang mga manggagawa ng asukarera ng Hacienda Luisita sa pamumuno ng United Luisita Workers' Union ay nagwelga at pitong manggagawa ang namatay. Sinundan pa ulit ito ng pitong welgista at taga-suporta na napatay rin matapos     ang isang buwan.

Ang tunay na nangyari. Basahin [dito]


 Wala pa ring hustisya matapos ang anim na taon. Sigaw ng bayan, "Katarungan!"




Linggo, Nobyembre 14, 2010

LIMITLESS: The First Solo Art Exhibit of Joscephine Gomez, painter

I met her, Ms. Joscephine Gomez via Mr. Arnold C. De Villa when I commented on Mr. De Villa's posting of video links of Kundiman on his facebook wall. My love for Kundiman  made us meet and exchange of communication has started. She's a total package of an artist and she is truly an inspiration.


This photo is created for visual presentation purpose of my blog only. This is not the official poster of the exhibit. Photos credited to Ms. Joscephine Gomez, this is actually from her facebook album, one of her paintings and profile picture. 

Visual artist Joscephine Gomez presents 25 large, medium and small paintings in acrylic and watercolor in her First Solo Show, ''Limitless''. Her works depict
interesting impressionistic renditions of skies and seas either dominated by various shades of yellow, red, rust and orange or cool, refreshing shades of blue, purple and green, with black as the common color. 


                                                          Who is Joscephine Gomez? 

One of the Philippines' better-known classical singers, Ms. Gomez's impressive credentials include being the first Filipino classical singer to be presented in solo concerts in Brunei Darussalam and in Israel and one of the first to sing solo in Russia, where she represented the Philippines in the First International Music Festival for the Asia-Pacific Region.

She is also a well-known professional speaker and lecturer, author of 43 short courses in communication, personal and mind development for business executives, lawyers, doctors, educators and other professionals.

She is a theatre actor. Two of her memorable performances are those in Dulaang UP's Damit ng Emperador and in Tanghalang Pilipino's Orpheus Descending.

She is a journalist, a feature writer and a poet.

Her features articles have seen publication is almost all of the Philippines' broadsheets and leading magazines. She was a business and economic reporter in her youth and worked for the Business Day (now the Business World) and the Economic Monitor. She ran a medical column in the Miscellaneous Magazine in the early 90s and was also the music critic of the Manila Chronicle at around the same period.

The Philippines' pioneer voice therapy and rehabilitation consultant, she is the Founder and Chief Consultant of the JOSCEPHINE GOMEZ CLINIC for VOICE THERAPY and REHABILITATION.

Until the middle of 2009, she hosted CREATIVE SOLUTIONS, a one-hour TV talk show on Global news Network Channel 21.

A polyglot, she speaks nine languages and has taught five of them. She is the only Asian , to date, to have taught at the prestigious IKL Kommunikations Training Centre in Frankfurt , Germany (with branches in Mannheim, Munich and Barcelona). She is also one of the few Filipinos chosen by the British Council to speak at the First International Language Teaching Convention held at the SMX Convention Centre in Manila in 2009.

Of the many awards she has received, she treasures the most her award as ''The Philippines' Longest Cancer Survivor'', which she received from the Kapisanan ng mga may '''K'' sa Pilipinas, the umbrella organisation of all cancer groups in the Philippines. She was diagnosed with cancer at age two, was given 5 and then 10 years to live, but she continues to live with sight, with confidence and WITHOUT CANCER!

Having been spared from the recurrence of cancer and knowing how important early detection and continued surgical and medical intervention are, she has earmarked a certain percentage of the proceeds from the sale of her artwork to retinoblastoma patients at the Philippine General Hospital.



On being a painter:

Ms. Gomez started studying painting in February this year and took her studies seriously, painting almost everyday from six to twelve hours a day.

She has participated in 5 group shows since she began joining shows 8 months ago. Some of her works are currently on display in five reputable galleries, including the Hiyas Museum in Bulacan , where the LAKAN SINING ng Bulacan group show is currently being held.

Her mentors are two of the Philippines' finest artists: Gig de Pio, a former professor at the College of Fine Arts, University of the Philippines, and one of the Philippines' best portrait artists, and Joe Datuin, Grand Prize Winner of the International Olympic Art Competition and other art tilts, and a former professor at the College of Fine Arts, University of Sto. Tomas. 


A photo from her pictorial in Jaffa, Israel for the Photography and Videography Magazine of Israel, taken by its editor Nissim. Credit to Ms. Gomez for grabbing this photo from her Facebook account.

Martes, Nobyembre 9, 2010

ABANGAN BUKAS!

Ito ay isang panawagan sa lahat na bukas, ika-10 ng Nobyembre ay magsisimula na ang paghuhusga sa mga tulang kasali sa i INSPIRE THE WORLD POETRY CHALLENGE. Atin pong tulungan ang mga organizers na pinamumunuan nila Dr. PenPen B. Takipsilim at Bb. Ceri Naz.


Mangyari pong pumili ng limang tulang ayon sa inyong pandama, damdamin at pumukaw sa inyong kamalayan at mangyaring isulat sa bawat comment box. Bukas na po ito.




Si Dr. Penpen B. Takipsilim at si Carla Abellana 

 mga host ng Walang Tulugan kasama si Dr. PenPen B. Takipsilim sa malawakang paglulunsad ng Poetry Challenge. Mga larawang kuha mula sa Facebook Account ni Bb. Ceri Naz at Dr. PenPen B. Takipsilim.



Orihinal na teksto mula kay Bb. Ceri Naz bilang isang panawagan:



"Let The World Be The Judge"
                                    ~Penpen

THE FIRST CHALLENGE shall begin
on this 10th of November 2010.[start at 12mn Philippine time]

We are now inviting
ALL facebook users, visitors & friends
to be OUR JUDGE and SELECT ONLY FIVE (5)
of YOUR MOST ADMIRED POEMS
that TRULY TOUCHED & INSPIRED YOU...

Mga kaibigan kailangan ay lima ang pipiliin,walang labis walang kulang para hindi po madiskwalipikado ang inyong boto..isusulat nyo rin sa comment box ang dahilan kung bakit iyon ang inyong napiling tula..MARAMING SALAMAT PO..MABUHAY PO TAYONG LAHAT!
                                                                                                                            ~Ceri naz

Biyernes, Oktubre 29, 2010

I INSPIRE THE WORLD POETRY CONTEST: SALI NA!


"YOUR POEM SHALL BE THE EXAMPLE TO CHANGE THE WORLD!" 
                                                                                                            ~penpen

________________________________________



WHO CAN JOIN? ANYBODY-- NOVICES, PROFESSIONALS, FRIENDS, SUPPORTERS,

COMMENTERS, TEACHERS, STUDENTS & VISITORS OF OUR PAGE.



AGE LIMIT? NONE. EVEN ELEMENTARY STUDENTS CAN JOIN

AS LONG AS YOU HAVE THE INTEREST TO CREATE YOUR OWN POEM.

________________________________________


For more information go here.

As of today, there are already 49 participants including me (wish ko lang okay ang tula ko!) and the organizers still need entries and is about to close on the 3rd of November.



Miyerkules, Setyembre 22, 2010

TALIKURAN

Komentula sa larawang kuha ni Jerico Casuga mula sa Facebook.

Larawan ni Jerico Casuga


"Talikuran"

Galing sa iisang dugo
At parehas na laman
Landas na tinatahak

Magkaibang pinupuntahan
Parehas na nagtatanong
"Ano ang kinabukasan?"
Depende sa daang
Kanilang patutunguhan.
Tuwid at tama para sa kabutihan
Baliko at mali ay siyang kasamaan
Wala sa luwang o ganda
Lugar na dadaanan
Sapagkat nasa puso
Siyang kasagutan.
Talikuran ang masama
Kabutiha'y sundan
Patungo sa buhay ng kapayapaan.


~Tula para sa "Back2Back"
Wallei Bautista Trinidad 21 Set2010

Miyerkules, Agosto 18, 2010

TEN RANDOM MEMORIES WITH MY SISTER

Ako at ang aking mahal na kapatid. Magkasama
sa lahat ng oras. Sa saya, sa tuwa, sa dalamhati at
sa pighati.

Thirty years! Grabe, trenta sarado na ang aking mahal na kapatid, sister, sisbumba, sisteraka, shufatid, aking PA, Accountant, Auditor, tagapag-asikaso sa lahat, tagapagtago ng sikreto at minsan tagapag-buko, taga-booking din kung minsan, kasama sa lahat ng kalurquey-an, kabalitaan, kabalitaktakan, minsan naging magkaaway? kahati sa pag-ibig? Oo, si Marisan Bautista Trinidad-Dultra, ina ni Reinazia.


1. WEEKEND CHIKA. Noong elementary kami, dahil magkaiba kami ng tirahan (kay Mommy ako nakatira) tuwing biyernes ng gabi ay pumupunta na ako sa kanila at doon matutulog. Simula ng umaatikabong kuwentuhan tungkol sa mga sikreto na kadalasan ay tungkol sa mga crushes. Siyempre kilala ko ang crush niya at her age of 7, kumekerengkeng na ang hitad!

2. FASHION SHOW. Kung may weekend chika kami, may weekend fashion show din. Siyempre kaming dalawa lang ang nakakaalam at baka ma-ombag ako ni Nanay kapag nalamang isinusuot ko ang kanyang mga hig-heeled shoes at mga floral bestida. Buti na lang ang sis ko, ang husay magtago ng sikreto.
 
 
 
3. ASSIGNMENTS AT PROJECTS. Siyempre, di ako papayag na hindi bongga ang project ng aking kapatid kaya kuntodo suporta ako sa paggawa ng kanyang mga assignments at projects sa school.

4. FIRST DAY SA SAINT PAUL. Nasigawan ko siya at pinagalitan dahil lagi wala sa sarili. Iwanan daw ba ang neck tie na part ng kanyang school uniform? Kandagalaiti ako siyempre. Nakakaawa kasi lagi ko na lang siyang nasisigawan. Huhuhu!

5. RECOGNITION DAY 1996. Sabay kaming umakyat sa stage at sabay kaming sinabitan ni Nanay ng medalya. Siyempre ako ang first place at second siya. Paligsahan sa paggawa ng tula sa Saint Paul. O, di ba?

6. FIRST MOBILE PHONE. Mas nauna siyang nagkaroon ng mobile phone sa akin. College pa kami noon. Saludo ako sa kapatid ko pagdating sa pera. Masinop. Matipid. Ibang klase. Kaya naman nagkaroon ng cellphone na nabili niya ng second hand. Nokia 5110. Bongga na iyon that time. Buti naman at nagamit ko dahil ipinahiram niya sa akin.




7. DEBUT, 18th Birthday. Siyempre, kinareer ko ang paghohost at pag-aasikaso ng lahat. Nakaraos naman kami ng maayos at nag-enjoy ang madla.

8. BOOKING. Bago ako pumunta ng India, tiniyak niyang magkita kami ni _____ at naging maayos naman ang lahat. Mahusay mag-book ang kapatid ko. Sana siya rin ang maging dahilan ng pagbabalikan namin. Hahaha!

9. KASAL. Ako ang nagpursiging ikasal siya sa madaliang panahon. Gusto kong masaksihan ang kasal ng aking mahal na kapatid. Ako ang naging punong abala sa lahat. Invitaion, give-aways, damit ng mga abay, damit niya. Lakad dito, takbo roon. Natapos naman ng maayos at ilang araw lang ang lumipas at ako ay umalis na ng ‘Pinas.
 

10. AIRPORT. Siya ang laging sumusundo sa akin, si Kuya One ang driver at kasama si Jobie. Ma-drama ang huling pagsundo niya sa akin dahil sa isang yakap pa lang niya ay naramdaman ko na kung ano ang ibig niyang sabihin….

Taong 2001 ng kami ay magkasabay na makapagtapos
ng Kolehiyo. Cum Laude po ang kapatid ko. Kinabog ako.

New Year 2005

Linggo, Agosto 8, 2010

BUKAS NA LIHAM PARA SA IKA-66 KAARAWAN NI MOMMY

Dear Mommy,

Alam kong nasa tabi lang kita habang sinusulat ko ito. Happy Birthday! 66 ka na. Hindi mo na nahintay ang dapat mas malaking selebrasyon ng iyong ika-70, ika-80 kaarawan. Dagli mo na akong iniwan ng iyong pisikal na katawan. Pero nais kong malaman mo na ang mga binuo nating pangarap, ang mga pangarap mo para sa atin ay sisikapin kong maabot. Alam ko kung paano mo ako ipinagdadasal kaya nga nakarating ako sa kung saan man ako naririto ngayon.

Mahal na mahal kita, Mommy! Lubos kong ipinagpapasalamat sa Dakilang Lumikha sa pagbibigay niya sa akin ng katulad mo na naging pinakamalaking porsiyento ng aking pagkatao. Salamat din kay Nanay at Tatay dahil ikaw ang siyang napili nila na maging tagapag-alaga ko sa aking paglaki at naghubog ng buo kong pagkatao.

Lagi nila akong tinutuksong ampon. Alam ko naman na hindi ikaw ang siyang nagluwal sa akin ngunit ang tanging alam ko at ang siyang laman ng puso ko, ikaw ang tunay kong Ina at mas hinigitan mo pa.

Sobra-sobra, at labis-labis ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin at boong buhay mo ay ibinigay mo para mabigyan ako ng mga bagay sa abot ng iyong kakayahan. Alam ko ang hirap na dinanas mo sa mundo at alam ko kung paano ko masusuklian ang bawat paghihirap ng dahil sa akin.

Alam ko kung gaano ka kasabik sa tuwing ibibili mo ako ng damit kasabay rin ng pagbili mo ng iyong isusuot sa taun-taong recognition day. Kasabikang dulot ng kaligayahan sa pagbubunga ng bawat pagkuskos mo ng labahin ng iba, pamamalantsa at lahat ng klaseng pagkakakitaan upang may maibigay kang baon sa akin at ng ako ay makapag-aral.

Hindi mo ako pinabayaang magutom. Ang isusubo mo, ibibigay mo pa sa akin. Lahat-lahat ng gusto mo ay nakalaan para sa akin at sa kinabukasang ating hinihintay. Ang tanging kapalit na hinihingi mo para sa akin ay ang magpakabait ako (kahit minsan ay nakukuha pa kitang sagutin) at magsikap makatapos ng pag-aaral.

Hindi lingid sa aking kaalaman kung paano mo ako ipinagmamalaki at ikinukuwento sa ibang tao. Proud na proud kang maging anak mo ako at napalaki mo ako ng ganito. Wala akong sinuway sa kagustuhan mo Mommy at alam mong ang lahat ng ginusto ko para sa buhay at kinabukasan ko ay para sa atin.

Tandang-tanda ko ang linyang sinabi mo noon, “Igagapang kita para makatapos ka ng pag-aaral.” Literal mo itong ginawa at alam ko kung paano ang bawat pagod na iyong nararamdaman ay dinadaan mo na lang sa bawat paghalakhak at pagtawa sa tuwing tayo ay nag-uusap. Batid ko ang kakapusan natin sa pera ngunit hindi ito naging sagabal upang mabuhay tayo ng maayos at mairaos ang ating pang-araw-araw na kalbaryo ng buhay. Kapag angkakasakit ka, hindi ka na lang kumikibo at tinitiis mo ang lahat ng nararamdaman para huwag akong mag-intindi sa iyong kalagayan.

Ikaw Mommy ang pinakamasipag na taong nakilala ko at walang kapaguran. Nakukuha mo pang tulungan ang ibang tao ng hindi nagrereklamo. Sa mata ko at sa matan ng nakakakilala sa iyo ay bayani kang totoo.


Happy Birthday Mommy! Ang dami ko sanang ikukuwento. Pero advance ka na nga ngayon. Alam mo lahat ng ginagawa ko dahil kasama kita saan man ako magpunta. Mahal na mahal kita, Mommy at lahat ng ginagawa ko ay ikaw ang inspirasyon ko.

Ang laging nagpapakatino mong anak,



Wallei


Sabado, Agosto 7, 2010

KALAWAKAN


Tulang ibinahagi kay PenPen B. Takipsilim, Facebook friend.




hanggang kailan
hanggang saan
ako ay pipikit
maghihintay
sinong lalapit
sinong sasabay
sa aking paglalakbay?

lilipad ako
lalangoy
ngunit takot sa pagsadsad
kaysakit ng bawat paglagpak

sa langit na sa akin nakasaklaw
hindi mabilang ang ulap na dadagan
pagpatak ng ulan dagling dadaan
ang bagsak ay sa aking matang mapanglaw

lilipad, kakampay
susunod lang ba sa agos na daraan?

lalasapin, dadamhin
kahit masakit ang pakiramdam

mamanhid
di na pakikiramdaman
ang bawat pintig ng pusong sugatan
maghihilom
matutuyo
di na malulumbay
darating na ang katapusan...

Lunes, Hulyo 26, 2010

SONA-SONAHAN: ANO ANG LAMAN?

Tulang ibinahagi para sa BALAGTASAN SA FB #14: Ikalabing-apat na Pagtatapat [A Bilingual Poetic Joust & Discussion] TOPIC: "Ang Aking SONA" (My SONA) ni Alexander de Juan



Ako, inyong pangulo nasa harapan,
Bumabati sa inyo, magandang araw.
Tatlumpung araw mabilis na nagdaan,
Kaya unang SONA’y dagling bibitawan.

Sa loob ng s’yam na taong nakalipas,
Maraming problema na tayo’y dinanas.
Ngunit nais ko sa inyo iboladas,
Tatahaking kalbaryo sadyang mahirap.

Ngayon nga ay tubig malaking problema,
‘Di na makainom sangkaterbang masa.
‘Di na makaligo, ilan sa kanila,
Marahil, ilan hindi na nangubeta.

Mindanaw masaker ay hindi pa tapos,
Hustisya sa bansa’y kailangang lubos.
Ngunit dapat malaman gawa ko’y puspos
Dagliang solusyon hiling ko sa Diyos.


Kaydaming bata ang sa baon ay kapos,
Kaya sila ay hindi na pumapasok
Edukasyon, kaalaman dapat patok
Mga guro dapat mataas ang sahod.

Kung walang korap ay walang mahirap,
Paglilingkod ng gobyerno dapat tapat.
Mga tiwali at lahat ng may lamat,
Sa serbisyo tanggalin, ikulong dapat.

Pagkain sa mesa ay hindi natupad
Pangakong sinambit nawala ng lahat
Inatupag nila’y rampa at paglipad
Kahirapan ng bansa’y sa ‘kin ang bagsak.

Isang buwan, unang SONAng bibitawan,
Kaydaming bigas ang ilalagay sa t’yan
Marami pang usok aking pakak’walan
Para mas’lusyunan problema ng bayan.

Linggo, Hulyo 18, 2010

AKO AY AKO


Tulang ibinahagi sa SARILI: Sa Ngalan ni Alejandro G. Abadilla (A Call for Contributions to the Ongoing FB Anthology #19: SELF & EXPERIMENTAL LIT) ni Alexander de Juan







Ako
ang aawit
ng aking sariling musika

Ako
ang maghahatid
ng mumunting saya

Ako
ang sasayaw
sa sariling tugtog

Ako
ang kekembot
sa mapanuksong tunog

Ako
ang Diyosa
ng nilikha kong mundo

Ako
ang guro
ng paaralan ko

Ako
ang hamog
sa sariling langit

Ako
ang letra
ng nilikha kong titik

Ako
ay
Ako

Hindi ikaw o kahit sino

Ako
ay
Ako

ng kumplikadong mundo





Miyerkules, Hulyo 14, 2010

EROTIKA 100


Tulang ibinahagi sa panawagan ni Alexander de Juan para sa kanyang URAG: In the name of Jose Garcia Villa (A Call for Contributions to the Ongoing FB Anthology  #16: EROTICA)






Pumulandit


ang katas na malagkit
Tumulo



maalat na pawis
Nangawit



mga panga't litid
Nanggitata



ang maputing singit...

Tumilamsik



ang 'di mawaring katas
Kumandirit



sa sayang nilasap
Nabaliw



sa naramdamang sarap
Napunit



ang mga pangarap..

LOVE WON'T EAT ME


Love won't eat me anymore. But never will I hate it... The show must go on, life is still beautiful after all. I may be too sentimental enough to be eaten by the circumstances and situation but it was long enough that I had prepared for it. Accepting all the facts behind all the truth is the only thing I can do...



Love won't eat me... I don't want to be miserable just because the person I love the most, the person whom I thought will always be there will not care at all. I need to broaden the spectrum of my mind, I don't want to be over acting on these things, after all, it's part of the game. The game may be over, call it quits!



Love won't eat me. Love will hurt but never be strong enough to swallow whatever feelings left on me. It made me stronger. Love won't eat me. It won't hurt me. I will only cry...


Orihinal na sinulat noong Oktubre 2008 sa aking lumang blog. Naisipan kong buhayin muli dahil ito ang nararamdaman ko ngayon. Cheesy ba?

Sabado, Hulyo 10, 2010

MOMENT KO 'TO


Kalukahan ko. Emote mode ako. Bakit ba kasi kailangan pang mag-play ng mga kantang katulad nito… Ang sarap pala ng pakiramdam kapag malungkot na malungkot ka. Tapos papatakin mo luha mo at papahirin din naman sabay singhot. 

Sinabi na kasi, e. Ang kulit-kulit ko at ako din naman ang gumawa ng kung ano ang pinagdaanan ko ngayon. Moment ko ito. This is the moment! Parang hindi pa ako makapaniwala. Heto na at malinaw na malinaw. The time has come. Pinaniwala ko lang talaga ang sarili ko na kunyari may forever kahit alam kong wala. Kagagahan! Nag-inarte pa ako at nag-feeling 16 years old. May tama nga ako sa utak at tanggap ko naman. 

Kapag nagdedeliryo tayo sa kaligayahan, dapat talaga nilalasap to the last drop para pagdating ng time na tapos na, nalasahan mo ito at ninamnam pa. Kapag nasaid at naubos na, pasensya na lang. Talagang ganoon. Hindi talaga dapat pinakakawalan ang bawat pagkakataon sapagkat pagkamulat-mulat mo, maaari itong biglang mawala at dapat handa tayo sa lahat ng pagkakataon. 


Kung sana ang sakit nito ay puwedeng daanin sa pag-inom lang ng pain killer o pagpahid ng ointment. Madali sanang mawala makalipas ang ilang oras. Pero ang sakit na dala ng pag-emote dahil nasaktan ang puso mong tanga, ang tagal bago maghilom. Kahit yata 40 years pa kapag nanaig sa damdamin ang kirot na dulot nito, hindi matatanggal. 

Ang tanga ko nga. Hindi ko naman itinatanggi. Noon pa man sinabi ko na tama na at tapos na. Wala rin namang papupuntahan. Alam ko na sa bandang huli ako rin ang masasaktan. Ang daming beses na nga. Hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat… paulit-ulit lang. Paulit-ulit akong nagpapakatimang. Wala akong sinasayang na pagkakataon na kapag pinakitaan ng pagmamahal kahit sa pinakamaliit pa nitong paraan, hulog na hulog na ako at napakadaling bumigay. Konting suyo lang, sabik na sabik at nagkakandarapa. May ibang kiliting hatid ito na hindi mo mawari. 

Nakakaasar ang puso. Nililito ka pa minsan. Hindi umaayon sa isip kadalasan Umayon man ang isip mo, ‘yung ibang nakapaligid sa iyo ang siya namang mamamakialam. Biktima kami ng sitwasyon. Dahil nagtagpo ang aming kaluluwang may kung anong hinahanap, nabulag yata. Sa aming dalawa namin nakita ang kalituhang dala ng pangyayari. 


Natapos na nga dapat noon pa. Hindi ko rin ipinilit ang sarili ko. Sitwasyon na naman ang sa amin ay nag-ugnay. Mahaba-habang panahon rin ang paglasap namin sa pagdedeliryong dulot ng kaligayahang bunga ng pagkahanap namin ng tagasalba sa kalungkutan.

Ilang oras bago ko sinimulan ito, tumutunog ang telepono ko. Ano ba ‘yan magpaparamdam na naman. Akala ko ba tapos na ang lahat? Ah, ako pala ang nagtuldok kahapon dahil nasaktan ako. Sakit na wala naman talaga sa lugar. Pero hindi naman sa koma nagtatapos ang bawat pangungusap. Para maganda ang tono ng bawat linya, kailangan tinatapos ng maaaring patanong at pandamdam. Naisip kong tuldok ang ilagay at huwag ng magkaroon ng susunod pang pahina. Makita ko lang ang katapusan nito. Wala na sigurong susunod na kabanata. Maghihintay na lang ako ng panibagong kuwento…

Miyerkules, Hulyo 7, 2010

ANINO



Lumipas na ang nakaraan at tapos na ngunit ang ngayon ay magpakailan man. Ang hinaharap ay hindi nakasalalay sa ating mga kamay pero ang hinaharap ay nakasalalay sa ngayon. Isipin mong ang bawat minuto ng iyong buhay ay siya ng katapusan at ito na ang iyong mga nalalabing sandali.

Hayaan mong maranasan na maging masaya at malaya. Iisa lang ang ating buhay. Live life like a champion. Ang bawat isa sa atin ay nandirito sapagkat may dahilan. Gawing ang dahilang ito para maipakita sa mundo kung sino at ano ka.

Hindi ko sinasabi kung paano ka dapat mabuhay. Ang sa akin lang ay kung ano ba ang iyong pakiramdam kung magbabalik-tanaw ka sa mga nagdaang panahon ng iyong buhay. Huwag pagsisihan ang mga bagay na nagawa. Kung sa tingin mo na ito ay tama, gawin mo. Buhay mo iyan hindi buhay ng ibang taong nakapaligid sa iyo.

Gumawa ng mga desisyon na makakapagpaginhawa ng iyong nararamdaman. Huwag hayaang maliitin ka ng iba. Huwag gawing kawawa ang iyong sarili. Huwag kang mabuhay sa lilim ng anino ng ibang tao at lalo sa anino ng kanilang mga pangarap. Magkaroon ng sariling hangarin sa buhay at kung anu man ang pangarap mo ay pagsumikapan mong kumilos ng naaayon. Darating ang panahon para sa iyo.