Miyerkules, Agosto 18, 2010

TEN RANDOM MEMORIES WITH MY SISTER

Ako at ang aking mahal na kapatid. Magkasama
sa lahat ng oras. Sa saya, sa tuwa, sa dalamhati at
sa pighati.

Thirty years! Grabe, trenta sarado na ang aking mahal na kapatid, sister, sisbumba, sisteraka, shufatid, aking PA, Accountant, Auditor, tagapag-asikaso sa lahat, tagapagtago ng sikreto at minsan tagapag-buko, taga-booking din kung minsan, kasama sa lahat ng kalurquey-an, kabalitaan, kabalitaktakan, minsan naging magkaaway? kahati sa pag-ibig? Oo, si Marisan Bautista Trinidad-Dultra, ina ni Reinazia.


1. WEEKEND CHIKA. Noong elementary kami, dahil magkaiba kami ng tirahan (kay Mommy ako nakatira) tuwing biyernes ng gabi ay pumupunta na ako sa kanila at doon matutulog. Simula ng umaatikabong kuwentuhan tungkol sa mga sikreto na kadalasan ay tungkol sa mga crushes. Siyempre kilala ko ang crush niya at her age of 7, kumekerengkeng na ang hitad!

2. FASHION SHOW. Kung may weekend chika kami, may weekend fashion show din. Siyempre kaming dalawa lang ang nakakaalam at baka ma-ombag ako ni Nanay kapag nalamang isinusuot ko ang kanyang mga hig-heeled shoes at mga floral bestida. Buti na lang ang sis ko, ang husay magtago ng sikreto.
 
 
 
3. ASSIGNMENTS AT PROJECTS. Siyempre, di ako papayag na hindi bongga ang project ng aking kapatid kaya kuntodo suporta ako sa paggawa ng kanyang mga assignments at projects sa school.

4. FIRST DAY SA SAINT PAUL. Nasigawan ko siya at pinagalitan dahil lagi wala sa sarili. Iwanan daw ba ang neck tie na part ng kanyang school uniform? Kandagalaiti ako siyempre. Nakakaawa kasi lagi ko na lang siyang nasisigawan. Huhuhu!

5. RECOGNITION DAY 1996. Sabay kaming umakyat sa stage at sabay kaming sinabitan ni Nanay ng medalya. Siyempre ako ang first place at second siya. Paligsahan sa paggawa ng tula sa Saint Paul. O, di ba?

6. FIRST MOBILE PHONE. Mas nauna siyang nagkaroon ng mobile phone sa akin. College pa kami noon. Saludo ako sa kapatid ko pagdating sa pera. Masinop. Matipid. Ibang klase. Kaya naman nagkaroon ng cellphone na nabili niya ng second hand. Nokia 5110. Bongga na iyon that time. Buti naman at nagamit ko dahil ipinahiram niya sa akin.




7. DEBUT, 18th Birthday. Siyempre, kinareer ko ang paghohost at pag-aasikaso ng lahat. Nakaraos naman kami ng maayos at nag-enjoy ang madla.

8. BOOKING. Bago ako pumunta ng India, tiniyak niyang magkita kami ni _____ at naging maayos naman ang lahat. Mahusay mag-book ang kapatid ko. Sana siya rin ang maging dahilan ng pagbabalikan namin. Hahaha!

9. KASAL. Ako ang nagpursiging ikasal siya sa madaliang panahon. Gusto kong masaksihan ang kasal ng aking mahal na kapatid. Ako ang naging punong abala sa lahat. Invitaion, give-aways, damit ng mga abay, damit niya. Lakad dito, takbo roon. Natapos naman ng maayos at ilang araw lang ang lumipas at ako ay umalis na ng ‘Pinas.
 

10. AIRPORT. Siya ang laging sumusundo sa akin, si Kuya One ang driver at kasama si Jobie. Ma-drama ang huling pagsundo niya sa akin dahil sa isang yakap pa lang niya ay naramdaman ko na kung ano ang ibig niyang sabihin….

Taong 2001 ng kami ay magkasabay na makapagtapos
ng Kolehiyo. Cum Laude po ang kapatid ko. Kinabog ako.

New Year 2005

Linggo, Agosto 8, 2010

BUKAS NA LIHAM PARA SA IKA-66 KAARAWAN NI MOMMY

Dear Mommy,

Alam kong nasa tabi lang kita habang sinusulat ko ito. Happy Birthday! 66 ka na. Hindi mo na nahintay ang dapat mas malaking selebrasyon ng iyong ika-70, ika-80 kaarawan. Dagli mo na akong iniwan ng iyong pisikal na katawan. Pero nais kong malaman mo na ang mga binuo nating pangarap, ang mga pangarap mo para sa atin ay sisikapin kong maabot. Alam ko kung paano mo ako ipinagdadasal kaya nga nakarating ako sa kung saan man ako naririto ngayon.

Mahal na mahal kita, Mommy! Lubos kong ipinagpapasalamat sa Dakilang Lumikha sa pagbibigay niya sa akin ng katulad mo na naging pinakamalaking porsiyento ng aking pagkatao. Salamat din kay Nanay at Tatay dahil ikaw ang siyang napili nila na maging tagapag-alaga ko sa aking paglaki at naghubog ng buo kong pagkatao.

Lagi nila akong tinutuksong ampon. Alam ko naman na hindi ikaw ang siyang nagluwal sa akin ngunit ang tanging alam ko at ang siyang laman ng puso ko, ikaw ang tunay kong Ina at mas hinigitan mo pa.

Sobra-sobra, at labis-labis ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin at boong buhay mo ay ibinigay mo para mabigyan ako ng mga bagay sa abot ng iyong kakayahan. Alam ko ang hirap na dinanas mo sa mundo at alam ko kung paano ko masusuklian ang bawat paghihirap ng dahil sa akin.

Alam ko kung gaano ka kasabik sa tuwing ibibili mo ako ng damit kasabay rin ng pagbili mo ng iyong isusuot sa taun-taong recognition day. Kasabikang dulot ng kaligayahan sa pagbubunga ng bawat pagkuskos mo ng labahin ng iba, pamamalantsa at lahat ng klaseng pagkakakitaan upang may maibigay kang baon sa akin at ng ako ay makapag-aral.

Hindi mo ako pinabayaang magutom. Ang isusubo mo, ibibigay mo pa sa akin. Lahat-lahat ng gusto mo ay nakalaan para sa akin at sa kinabukasang ating hinihintay. Ang tanging kapalit na hinihingi mo para sa akin ay ang magpakabait ako (kahit minsan ay nakukuha pa kitang sagutin) at magsikap makatapos ng pag-aaral.

Hindi lingid sa aking kaalaman kung paano mo ako ipinagmamalaki at ikinukuwento sa ibang tao. Proud na proud kang maging anak mo ako at napalaki mo ako ng ganito. Wala akong sinuway sa kagustuhan mo Mommy at alam mong ang lahat ng ginusto ko para sa buhay at kinabukasan ko ay para sa atin.

Tandang-tanda ko ang linyang sinabi mo noon, “Igagapang kita para makatapos ka ng pag-aaral.” Literal mo itong ginawa at alam ko kung paano ang bawat pagod na iyong nararamdaman ay dinadaan mo na lang sa bawat paghalakhak at pagtawa sa tuwing tayo ay nag-uusap. Batid ko ang kakapusan natin sa pera ngunit hindi ito naging sagabal upang mabuhay tayo ng maayos at mairaos ang ating pang-araw-araw na kalbaryo ng buhay. Kapag angkakasakit ka, hindi ka na lang kumikibo at tinitiis mo ang lahat ng nararamdaman para huwag akong mag-intindi sa iyong kalagayan.

Ikaw Mommy ang pinakamasipag na taong nakilala ko at walang kapaguran. Nakukuha mo pang tulungan ang ibang tao ng hindi nagrereklamo. Sa mata ko at sa matan ng nakakakilala sa iyo ay bayani kang totoo.


Happy Birthday Mommy! Ang dami ko sanang ikukuwento. Pero advance ka na nga ngayon. Alam mo lahat ng ginagawa ko dahil kasama kita saan man ako magpunta. Mahal na mahal kita, Mommy at lahat ng ginagawa ko ay ikaw ang inspirasyon ko.

Ang laging nagpapakatino mong anak,



Wallei


Sabado, Agosto 7, 2010

KALAWAKAN


Tulang ibinahagi kay PenPen B. Takipsilim, Facebook friend.




hanggang kailan
hanggang saan
ako ay pipikit
maghihintay
sinong lalapit
sinong sasabay
sa aking paglalakbay?

lilipad ako
lalangoy
ngunit takot sa pagsadsad
kaysakit ng bawat paglagpak

sa langit na sa akin nakasaklaw
hindi mabilang ang ulap na dadagan
pagpatak ng ulan dagling dadaan
ang bagsak ay sa aking matang mapanglaw

lilipad, kakampay
susunod lang ba sa agos na daraan?

lalasapin, dadamhin
kahit masakit ang pakiramdam

mamanhid
di na pakikiramdaman
ang bawat pintig ng pusong sugatan
maghihilom
matutuyo
di na malulumbay
darating na ang katapusan...