Hindi palaging perang napakadaling makuha sa pamamagitan ng game show ang magpapatakbo ng buhay ng lahat ng mahihirap na Pinoy. Ang show na katulad ng Willing Willie na animo ay sinasanto ng karamihan sa mga Pinoy ay sumasalamin mismo sa katamaran ng mga Pilipino. Perang madaling makuha kapalit na kahihiyan o ng sariling dangal ay perang biglang mawawala at mismong magbabaon sa iyo sa kahirapan.
Naging maingay ang mga taong sumuporta kay Jan-Jan dahil sa malinaw na pang-aabuso ng host na si Willie Revillame kahit pa i-deny niya ito ng maraming beses. Nakipagtalo pa ako sa isa kong kaibigan dahil tila sinasabi niyang walang kasalanan si Willie sa pagsayaw ng bata. Sabihin na nating walang kasalanan si Willie pero responsible siya sa lahat ng pangyayari dahil: (1) maaari niya itong pigilang mag-perform ng ito’y umiiyak na (2) hindi gusto ng isang bata ang kanyang ginagawa kung ito’y umiiyak maliban kung ito’y nasa isang pelikula (3) hindi na niya dapat hinayaang paulit-ulitin pang gawin ng bata ang kanyang pagsayaw (4) hindi na dapat pinangalandakan ni Willie na ginagawa ng bata ito para kumita ng pera.
Maraming leksiyon na makukuha sa pangyayaring ito at magbubukas sa mga mata ng mga taong kumakatawan sa kahirapang mayroon ang Pilipinas. Dapat nating malaman na bagamat mahirap tayo hindi laging instant o madalian ang pagkita ng pera, sapagkat ang pera ay pinaghihirapan at pinaghahanapbuhayan. Dapat mabuksan ang mga mata ng mga taong hindi game show ang sagot sa kahirapan kundi kasipagan. Nagiging mahirap tayo kung hindi tayo kumikilos at walang ginagawa at naghihintay ng grasyang babagsak o umaasa sa suwerte o himala.
Nakakalungkot
isipin na nalason ng mga game show na ito ang isipan ng maraming Pilipinong ang
buong akala ay iyon na nga ang kasagutan sa pinagdadaanang kahirapan na kahit
pa magmukhang tanga sa harap ng tao ay ginagawa ang kahit anong bagay makakuha
lang ng instant cash.
Ang sa akin
lang, malaki rin ang pananagutan ng mga networks sa Pilipinas sa mga nakikita
ng mga tao at napapanood. Malakas kasi sa rating dahil maraming tagapanood at
malaki ang kikitain pero nakalimutan nilang may malaking imapact ito sa
sambayanan. Dapat ibahin ang stratehiya at programang nagsasabing tumutulong sa
mahihirap. Hindi lang pera ang sagot. Marami pang iba.
Ang
pangyayaring tungkol kay Jan-Jan ay hindi natatapos dito lang at hindi dapat
umikot sa TV5 o kay Willie Revillame lamang. Sapat na ang lahat ng pangyayaring
ito ay magbukas sa lahat ng Pilipino na maging mapagmatiyag sa kung ano ang
nangyayari sa paligid.
Oo, mahirap
kami pero hindi ibig sabihin ay kailangang pumila sa lahat ng game shows at
gumawa ng gimik kahit na nakakahiya para kumita lang ng pera. Puwede akong
kumuha ng labada sa mga may kaya, gumawa ng bibingka at ibenta sa kalsada, o
magbantay sa tindahan ng kakilala. Puwede akong magpaturo kung paano manggupit
sa barberong may pagupitan sa kabilang kanto. Maaring akong magpaturo kung
paano mag-manicure o mag-pedicure kaya sa kaibigang bakla at kapag natuto ay mag-service
sa mga kalapit barangay. Maraming paraan ang pagkita ng pera pero para tapakan
ang pagkatao mo, hindi ko yata magagawa.
3 komento:
KUNG hindi sana kinukurakot ng mga kagalang-galang na tao sa gobyerno ang mga pondo na nkalaan para sa mga programa para sa ating mga kababayang kapos sa buhay ay hindi na sana tayo hahantong sa mga gnitong senaryo. Hindi ko rin masisi ang mga taong umaasa at pumipila sa naturang game show at sa ibang game shows pa sa ibang istasyon dahil kung wala na silang pag-asang mkamit mula sa ating pamahalaan khit papano ay may pag=asa silang maambunan ng khit kaunting pantawid-gutom sa mga game shows na ganito. Yung episode ng willing willie na sinalihan ni jan-jan ay npnuod ko ng buo,at sa totoo lang ay hindi ko npncin o naicp n tila pinaglaruan ni willie ang bata. Kung ang inyong npnood ay ang mga edited n show s youtube,cgrdo masama agad ang mgiging tingin ng tao k willie. hindi s pinagtatanggol ko c willie,pero mukhang msydo lng cya ndiin s isyung ito. Kaya lng nmn naging masama ang tingin ng mga tao d2 ay dahil binigyan nila ng MALISYA ang gnawa ng bata. Kung bibigyan ntin ng malisya ang lahat ng mkikita ntin s tv, s tingin ko walang mtitirang shows. Sana wag n mgsisihan lng magsisihan lalo na ung mga nasa gobyerno na pilit nkikisawsaw s isyu dahil alam nilang sikat si willie at nkikisawsaw sila sa exposure. npakaraming problema ng ating bansa,at sana un n lng ang unahin nla. madami p sna ko idadagdag pero mjo an2k nko. salamat s blog mo kaibigan. good luck and more power
Dapat Hindi mamgurakot
Kung ikaw ang ama ng isang pamilya,paano mo bibigyan-solusyon ang suliraning binanggit sa artikulo gamit ang siyentipikong pamamaraan?
Mag-post ng isang Komento