Linggo, Hulyo 18, 2010

AKO AY AKO


Tulang ibinahagi sa SARILI: Sa Ngalan ni Alejandro G. Abadilla (A Call for Contributions to the Ongoing FB Anthology #19: SELF & EXPERIMENTAL LIT) ni Alexander de Juan







Ako
ang aawit
ng aking sariling musika

Ako
ang maghahatid
ng mumunting saya

Ako
ang sasayaw
sa sariling tugtog

Ako
ang kekembot
sa mapanuksong tunog

Ako
ang Diyosa
ng nilikha kong mundo

Ako
ang guro
ng paaralan ko

Ako
ang hamog
sa sariling langit

Ako
ang letra
ng nilikha kong titik

Ako
ay
Ako

Hindi ikaw o kahit sino

Ako
ay
Ako

ng kumplikadong mundo





3 komento:

  1. magaling, magaling aking kaibigan
    pambihira ka ngang nilalang
    dahil ikaw ay walang kagaya man
    kahit nasa kumplekadong sanlibutan

    TumugonBurahin
  2. masaya ako para sa yo aking kaibigang wallei..
    ang importante kilala mo ang iyong sarili..
    ikaw ay ikaw nga at walang makakuha
    sa iyong identity
    mahal ka ng iyong mga kaibigan lalo na ng Diyos, yun ang importante

    TumugonBurahin
  3. Salamat po sa inyo. Salamat Ate Nette sa pagdalaw sa site ko.

    TumugonBurahin