Linggo, Pebrero 7, 2010

DURUNGAWAN



Oo, durungawan nga. Mas kilala sa tawag na bintana. Parte ng bahay na pinaglalagusan ng hangin. Pinagmumulan ng liwanag mula sa araw at lugar kung saan puwedeng tanawin ang labasan.

Sa madalas kong pag-iisa noong bata ako, bintana ang madalas kong puntahan. Isang mala-sineng hitik sa mga totoong tanawin, mga pangyayari sa buhay na kinalakihan. Ang mga kapitbahay na naging parte ng aking paglaki, mga punong nakapaligid na piping saksi sa mga pangyayari sa buhay ng lahat ng nasa looban. Ang aming bintanang abot tanaw ang kalsada at dinig ang lahat ng hiyawan, tawanan, iyakan at pati away.

Basta ang alam ko, bintana ang siyang naging dahilan kung bakit nagkakilala sina Tatay at Nanay at nagkatuluyan, nagtanan at nabuo ang isang nilalang na nagkukuwento ngayon dito.


4 (na) komento:

  1. sabi nila minsan napagsasaraduhan tayo ng pinto, pero di tayo dapat nawawalan nang pag-asa, hanapin natin ang bintana para may liwanag tayong makita ... ahehehehe

    nice pic eniway!

    TumugonBurahin
  2. sabi nila minsan napagsasaraduhan tayo ng pinto, pero di tayo dapat nawawalan nang pag-asa, hanapin natin ang bintana para may liwanag tayong makita ... ahehehehe

    nice pic eniway!

    TumugonBurahin
  3. sabi nila minsan napagsasaraduhan tayo ng pinto, pero di tayo dapat nawawalan nang pag-asa, hanapin natin ang bintana para may liwanag tayong makita ... ahehehehe

    nice pic eniway!

    TumugonBurahin
  4. I love your thoughts! I have visited your blog and it's really so fabulous! Salamat sa pagpuna at pagpunta! Be fabulous and be free!

    TumugonBurahin