Biyernes, Enero 15, 2010

DALAW




May mga kaibigan ka ba o kasamahan dati na matagal mo ng hindi nakikita? Kailan mo sila nakausap ng personal?


Hindi ko pinalagpas ang pagkakataong ito na makadalaw sa dating lugar kung saan ako nag-umpisang makipagsapalaran sa labas ng Pilipinas. Ang pagbabalik ko dito ay nagbigay ng mga alaala ng  naranasan kong saya at lungkot, pighati, asar, inis, aliw at lahat na ng mga ekspresyon ng damdamin.


Higit sa lahat, dito ako nagkaroon ng lakas ng loob at naniniwala talaga akong may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Hindi man ako kasing palad ng ibang mga lumabas ng bansa, ang dami ko namang natutunan sa buhay. Ang mga karanasan talaga ang siyang pinakamahusay na tagapagturo sa atin.


Kasama sa mga karanasang ito ay ang mga kaibigang hindi ka iniwan kahit na gaano mang kalayo ang inyong naging distansiya. Dahil sa pakikisama ko ng maayos sa lahat, sa aking muling pagdalaw ay nagmistula akong artistang pinagkaguluhan. Hahaha! Kapagod magsasalita, magkuwento, makipagyakapan, ang ilan ay humahalik pa.


Kapansin-pansin sa harapan ng gusali ang mga bulaklak na iba’t ibang kulay. Dati kasi ay wala man lang ibang kulay na makikita dito. Nakakapagod tuloy tingnan at parang walang buhay. Bongga na ngayon. May mga bulaklak na. Natural nandoon pa rin ang bundok sa may katapat na kalsada. Walang pagbabago. Piping saksi sa lahat ng kaganapan sa kaharap na gusali, ang malawak at malaking pagawaan na minsan kong naging himpilan.


Laging may kahalong kakaibang damdamin ang pagdalaw. Sa pagdalaw kong ito ay napagtanto kong hindi ako nakalimutan ng lahat. Mainit pa rin akong tinanggap ng bawat isa. Feeling artista, nagkagulo, may ingay! Kaaliw. Dati kasi ako lang ang nag-iisang bumabalanse sa lahat ng emosyon ng bawat isa. Para akong isang clown na nagbibigay ngiti sa mga pagod na manggagawa.


I was loved. I was respected. Forever I will be remembered. Salamat sa masasarap na pagkain. Sobrang busog ako at si Amrit ay naaliw din ng todo-todo. Ang pinakamaganda pa nito, may mga regalo pa at pabaon!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento