Sabado, Enero 9, 2010

KAHON




Isang araw bago pagsapit ng aking kaarawan, hayaan ninyong nakasara ang kahong ito at simula bukas, pagsapit ng oras ng aking pagsilang ay sisimulan ko itong buksan. Mga nakakahon na regalong tinanggap ko sa loob ng tatlumpu’t isang taon na bumoo sa akin bilang ako ngayon.


PAMILYA. Huling bahagi ng taong 2008 ng maganap ang ikinatatakot kong mangyari. Ito ay ang pagkawala ni Mommy na siyang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon sa aking pagsisikap na magkaroon ng maayos na pamumuhay. Si Mommy na siyang nagtaguyod sa akin sa loob ng tatlumpung taon ay pumanaw at iniwan ako. Nagbuo kami ng mga pangarap na sabay naming binubuo. Ang pagtanggap lamang dito na maluwag sa loob ang siyang magbibigay sa akin ng pagkakataong bumangon muli. Masakit ang pangyayari pero hindi ko hahayaang humina ako. I will continue reaching for the stars. Nandiyan pa ang aking Nanay at Tatay, si Daddy, at ang mga kapatid ko na siyang magiging kaagapay ko sa pagtahak ko sa buhay.


KAIBIGAN. I was blessed with a lot of friends around. Mga totoong kaibigang dumamay sa mapapait na karanasan ko sa buhay. Not to mention all their names, they know who they are and I love them so much. They are my strength and source of joy. Lahat sila mahal ko. Lahat kayo. Kahit ikaw na nagbabasa nito. I love you!


EDUKASYON. Paano na lang kung hindi ako nakapag-aral? Ano kaya ang ginagawa ko ngayon? Isa sa mga pinakamagandang regalong iniwan ni Mommy sa akin ay ang pagtataguyod niya sa akin upang makapag-aral ako. Isang pamanang lagi kong ipagpapasalamat. Naalala ko noon sabi niya, “Igagapang kita makapagtapos ka lang.” Halos bumigay na ako noon, wala naman kasi kaming ibang pinagkukunan. Si Mommy, ang siyang gumawa ng lahat ng paraan para makapagtapos ako at dinanas ang lahat ng hirap. Salamat din sa mga scholarship na tinanggap ko. Si Nanay at Tatay, kahit sa kanilang maliit na paraan ay nakapagbahagi rin naman. Si Tita Ine ay patuloy akong binibigyan ng monthly allowance. Sa mga paaralan at pamantasang pinanggalingan ko na naghubog sa akin, proud ako sa inyo!


TRABAHO. Salamat at may trabaho pa ako.


PAG-IBIG. Wow! Ibang klase ang dinanas ko. Ibang klaseng pag-ibig na siyang nagpawindang sa akin. Nagpatimang, nagpatembuwang at nagpakembot sa lahat ng klaseng paraan. Iba na ang dating pag ito ay pinag-uusapan. Napapangiti ako at napapaluha. Sa dami ng pinagdaanan ko. Salamat sa aking pusong timang. Nakakatawang nakakaasar ang puso. Minsan pakiramdam ko, ang ligalig niya. Di mapakali. Pero, ang saya di ba? Binibigyang kulay ang buhay pero iiyak naman sa bandang huli.



Ito ang limang bagay na laman ng kahon. Mga bagay na bubuksan ko mula sa pagdating ng aking ika-31 kaarawan. Bubuksan ko ito hindi para pakawalan, kundi para angkinin ng buong-buo. I will embrace these all fabulously!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento