Minsan lang mangyari ito. Pagbigyan na. Kung hindi pa na-ospital ang kasamahan namin baka hindi pa kami nagkaroon ng pagkakataong makalabas at makapagsama-sama. Iba ang chikahan sa labas kumpara sa chikahan sa loob ng bahay. Iba talaga ang feeling ng paligid. Kaya kahit may kamahalan ang kape sa loob ng hospital, carry na! Enjoy naman kami. Nag-enjoy kaming magkuwentuhan ng kung anu-ano lang. Siyempre, we feel sorry for what happened to our fellow. Ang aksidente nga naman, dumarating ng hindi inaasahan.
Kasabay ng aming pagdalaw ay ang pagkakataong makapagsama-sama. Kaming tatlo. Ako at ang aking mga Ate! Ibang klaseng bonding ang nangyari at isang bonggang pagkakataon na malayang makalipad na parang mga ibon sa himpapawid. Dahil may kapihan sa ospital at kahit halos mapatembwang ako sa presyo, napagkasunduan naming umupo sa nag-aanyayang couch. Panalo ang ambience. Ang sarap ngang magngakngakan habang umiinom ng kape. Napagkasunduan naming mag-order ng iba’t ibang klase at tikman lahat. Maayos ang service. Sa Starbucks, self-service at least dito ihahatag sa iyong harapan. Kaya queber kung mahal. Sulit na!
Mas naging sulit ang aming pagkain at pag-inom ng kape dahil sa napakahabang oras na ibinigay sa amin ng pagkakataon. Once in a blue moon lang mangyari ito kaya enjoy kaming tatlo!
Buhay-buhay, kung anu-ano ang aming mga napag-usapan. Halos maiyak pa nga sa pagbabalik tanaw sa mga nakaraan. Natural hindi naman ako nagpatalo sa mga kuwentong fabulous, kuwentong may komedya kahit na nga may pait ang iba. That’s a gift to me and I am proud of that. Ma-chika ako. Madaldal at halos matuyuan ng laway sa kasasalita, maaliw lang ang mga kasama. Oras na lang ang nagbadya para tapusin namin ang aming chikahan. Naubos ang tiramisu , ang muffin at ang strawberry cake at ang tatlong tasa ng kape. Pero hindi dito nagtatapos ang aming kuwentuhan. Marami pang kasunod pero hindi namin alam kung kailan.
Salamat Mommy Johannah Alameda at Ate Maria Theresa Reyes-Germinal. Alam kong pagtitibayin pa ang ating pagkakaibigan hindi lamang ng pagkakataong ito. Kundi ng mga susunod pang chikahan!
salamat din Wallie sa precious time na ito, na exercise na naman ang panga ko sa pagtawa, hahaha.
TumugonBurahinat mauulit pa ito ng todo-todo!
TumugonBurahin