ni Wallei Bautista Trinidad
Photo credit: Joe Malicdem |
Sa kanyang mga simpleng kagamitan sa pagkuha ng larawan at pagkahumaling sa likas na liwanag na nagmumula sa araw, si Maestro Edwin ay kumukuha ng dakilang kaligayahan sa pagkuha ng iba't ibang uri ng imahe na nagpapabatid sa atin na ang mundo ay likas na puno ng kahanga-hangang mga bagay at higit sa lahat masaya at masarap ang mabuhay.
Kapag nababanggit ang Loyola, pumapasok agad sa aking isipan ang salitang simbuyo. Kaipala, si Edwin at ang salitang nabanggit ay nagbibigay kahulugan sa kung ano ang natatanging nararamdaman sa bawat larawan na kanyang nalilikha. Ang bawat imaheng lumalabas sa kanya ay dulot ng kanyang malikhaing imahinasyon. Dahil dito, isa siya sa pinaka-bantog na litratista sa Pilipinas at kilala sa buong mundo.
Para kay Edwin S. Loyola, ang kanyang mga larawan ay hindi lamang tungkol sa pagpili ng isang paksa at pagkuha nito, ito ay nauukol sa isang partikular na pagtugon sa antas ng sining, ang balanse, proporsyon, at lahat ng iba pang mga elemento upang ang kanyang mga imahe ay maging isang obra at hindi lamang basta larawan.
Ang kanyang simbuyo ng damdaming makapaghatid ng mga kahanga-hangang pagpapakita ng katalinuhan, ng kanyang damdamin at ng isang kapangyarihan ay pagpapatuloy na pagbibigay kahulugan sa bawat emosyon. Ang kanyang pagsinta ay ang magbigay ng mga imahe na may pagtitiyak na makakapagbigay ng kahumahumaling na kagandahan sa kung paano ito bibigyan ng kahulugan ng sinumang makakakita. Ang kanyang mga larawan ay tila isang pagtatanghal ng tula na nagsasabing hawakan ang puso ng bawat isa at upang mailahad ang sanglibo't isang kwento na pumupukaw ng kaluluwa.
Maraming maraming salamat lakay!!!
TumugonBurahinMabuhay Lakay!
TumugonBurahin