Kalukahan ko. Emote mode ako. Bakit ba kasi kailangan pang mag-play ng mga kantang katulad nito… Ang sarap pala ng pakiramdam kapag malungkot na malungkot ka. Tapos papatakin mo luha mo at papahirin din naman sabay singhot.
Sinabi na kasi, e. Ang kulit-kulit ko at ako din naman ang gumawa ng kung ano ang pinagdaanan ko ngayon. Moment ko ito. This is the moment! Parang hindi pa ako makapaniwala. Heto na at malinaw na malinaw. The time has come.
Pinaniwala ko lang talaga ang sarili ko na kunyari may forever kahit alam kong wala. Kagagahan! Nag-inarte pa ako at nag-feeling 16 years old. May tama nga ako sa utak at tanggap ko naman.
Kapag nagdedeliryo tayo sa kaligayahan, dapat talaga nilalasap to the last drop para pagdating ng time na tapos na, nalasahan mo ito at ninamnam pa. Kapag nasaid at naubos na, pasensya na lang. Talagang ganoon. Hindi talaga dapat pinakakawalan ang bawat pagkakataon sapagkat pagkamulat-mulat mo, maaari itong biglang mawala at dapat handa tayo sa lahat ng pagkakataon.
Kung sana ang sakit nito ay puwedeng daanin sa pag-inom lang ng pain killer o pagpahid ng ointment. Madali sanang mawala makalipas ang ilang oras. Pero ang sakit na dala ng pag-emote dahil nasaktan ang puso mong tanga, ang tagal bago maghilom. Kahit yata 40 years pa kapag nanaig sa damdamin ang kirot na dulot nito, hindi matatanggal.
Kung sana ang sakit nito ay puwedeng daanin sa pag-inom lang ng pain killer o pagpahid ng ointment. Madali sanang mawala makalipas ang ilang oras. Pero ang sakit na dala ng pag-emote dahil nasaktan ang puso mong tanga, ang tagal bago maghilom. Kahit yata 40 years pa kapag nanaig sa damdamin ang kirot na dulot nito, hindi matatanggal.
Ang tanga ko nga. Hindi ko naman itinatanggi. Noon pa man sinabi ko na tama na at tapos na. Wala rin namang papupuntahan. Alam ko na sa bandang huli ako rin ang masasaktan. Ang daming beses na nga. Hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat… paulit-ulit lang. Paulit-ulit akong nagpapakatimang. Wala akong sinasayang na pagkakataon na kapag pinakitaan ng pagmamahal kahit sa pinakamaliit pa nitong paraan, hulog na hulog na ako at napakadaling bumigay. Konting suyo lang, sabik na sabik at nagkakandarapa. May ibang kiliting hatid ito na hindi mo mawari.
Nakakaasar ang puso. Nililito ka pa minsan. Hindi umaayon sa isip kadalasan Umayon man ang isip mo, ‘yung ibang nakapaligid sa iyo ang siya namang mamamakialam. Biktima kami ng sitwasyon. Dahil nagtagpo ang aming kaluluwang may kung anong hinahanap, nabulag yata. Sa aming dalawa namin nakita ang kalituhang dala ng pangyayari.
Natapos na nga dapat noon pa. Hindi ko rin ipinilit ang sarili ko. Sitwasyon na naman ang sa amin ay nag-ugnay. Mahaba-habang panahon rin ang paglasap namin sa pagdedeliryong dulot ng kaligayahang bunga ng pagkahanap namin ng tagasalba sa kalungkutan.
Ilang
oras bago ko sinimulan ito, tumutunog ang telepono ko. Ano ba ‘yan magpaparamdam
na naman. Akala ko ba tapos na ang lahat? Ah, ako pala ang nagtuldok kahapon
dahil nasaktan ako. Sakit na wala naman talaga sa lugar. Pero hindi naman
sa koma nagtatapos ang bawat pangungusap. Para maganda ang tono ng bawat linya,
kailangan tinatapos ng maaaring patanong at pandamdam. Naisip kong tuldok ang
ilagay at huwag ng magkaroon ng susunod pang pahina. Makita ko lang ang
katapusan nito. Wala na sigurong susunod na kabanata. Maghihintay na lang ako
ng panibagong kuwento…
start a new paragraph wallei... different story, different topic, different character... malay mo this time, may happy ending na...
TumugonBurahinwaaaaaaah bakit parang nakarelate ako :(
wallei,
TumugonBurahinang storya habang buhay ka nagbabago... ako nga tinuldukan ko n dati pero binura ko kc alam ko pede ko p baguhin at dugtungan ung storya na magiging masaya ko....tayo ang gumagawa ng kabanata ng buhay natin...kya kung ano ang gusto mo mangyari at kung saan k magiging masaya ung ang gawin mo... may happy ending, pinoy tayo eh...tignan mo mga bida sa pelikula in d end cla rin d ba? khit anong dami ang pinagdaanan...in d end masaya...
goodluck! may u find true happiness n life...God bless...
dhyoy at -potpot-, mga kaibigan. sadyang ang inyong mga tinuran ay magiging mahalagang sangkap sa pagsisimula ko ng bagong kuwento ng buhay. alam kong sa una lang ang pait, ang hapdi at sakit, baka nga magpeklat pa pero maghihilom din naman, di ba? makulay ang mundo, masaya, nakakapagpadelryo at kasama ng pagiging makulay nito ang maging timang at pagnamnam sa mga emosyon. Salamat sa inyo. Mabuhay kayo.
TumugonBurahin