Miyerkules, Hunyo 30, 2010

SA AKING PAG-UPO












Ngayon ako ay nasa harapan n’yo na
Pangulo na s’yang sinasabing pag-asa
Kahit walang anak at asawa
Alam kung paano maging Padre de Pamilya.

Sapagkat ako ay inyong iniluklok
Pinagkatiwalaan kaya pumasok
Hindi lang basta uupo sa sulok
Walang puwang sa akin ang pagmumukmok.

Sagad ang problema ng ating bayan
Ano ba ang siyang tanging dahilan
Hindi ba’t sa disiplina tayo ay kulang
Ito ang higit nating kailangan.

Kaya bilang pangulo ninyo
Disiplina sa sarili ay sisimulan ko
Ako ang katangi-tanging modelo
Upang masimulan ang pagbabago.

Hindi ko hahayaang basta sumunod lang
Sa mga kahilingang walang basehan
Nakapaligid sa akin hindi pakikinggan
Kung alam kong ito’y walang buting ibibigay.

Iwawaksing pilit ang pangit na nakaraan
Hidwaan dito at doon hindi bibigyang puwang
Sapagkat ang pagbuong muli ng ating bayan
Ay nakasalalay sa magandang pagsasamahan.

Babalensehing pilit estado at simbahan
Pondo sa edukasyon ay bibigyang puwang
Bahay, pagkain, hanapbuhay, kalusugan
At kaligtasan ng sambayanan.

Aking paglilingkod ay hindi isang laro
Ito ay hamong aking isasapuso
Pagaganahin ang isip, didiskarte ng buo
Nang maging makasaysayan ang aking pag-upo.

Larawan mula sa AFP.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento