Ang suwerte ko. Lumaki akong
dalawa ang nanay. Si Mommy, hindi man pisikal kong kasama, alam kong nakabantay
lang sa tabi ko at nakasubaybay at sa bawat desisyon ko sa buhay, sa bawat
katanungang babagabag sa isipan ko, magpaparamdam o hindi kaya kakausapin ako
sa panaginip. Si Nanay, nag-uusap naman kami. Mahina nga lang ang pandinig
minsan at tuwing nag-uusap kami sa telepono para kaming nagsisigawan. Normal
lang iyon. Ganoon lang talaga kami. Dala ko hanggang ngayon ang malakas na
boses at parang galit kahit hindi. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, malamang
nasuntok na ako o kaya ay nasabuyan ng tubig.
Mother’s day ngayon. Nag-isip ako
kung ano ang isusulat ko. Ang daming nagsalisalimuot sa utak ko. Nalito. Sa mga
pinakahuling sandali, heto na nga nagsusulat na at paninindigan kong hindi
mag-drama. Lagi na lang bang drama? Kapagod maging artista sa sariling mundo.
Emote dito, emote doon. Para naman maiba, iisa-isahin ko na lang ang mga
paalala ni Mommy at ni Nanay habang lumalaki ako.
Si Mommy at ako. Mga alaala naming dalawa.
Si Mommy, kahit noong
nagtatrabaho na ako lagi akong sinasabihan na MAGPAKATINO RAW AKO. Siguro
ramdam naman talaga niyang may tama ako sa utak at madalas sinusumpong. Ang
isasagot ko, “Luka-luka ba ako Mommy?”
Mga natatandaan kong madalas
sabihin ni Mommy:
HUWAG KANG MAGPAPALOKO kung
kani-kanino. HUWAG KA NGANG MAGASTOS dahil hindi pinupulot ang pera. NANGINGINTAB
ANG MUKHA, LAGYAN MO NG PULBOS. LAGI KANG MAGDASAL. HUWAG KANG BURARA. Huwag
nakikita lang ang dapat mong linisin dapat yung sulok-sulok. KUMAIN KA NG GULAY
HINDI PURO KARNE. HUWAG KANG PIHIKAN SA PAGKAIN hindi tayo mayaman. MAG-ARAL
KANG MABUTI. HUWAG MONG SINASAGOT ang
daddy mo. HINDI BALING MATAKAW, HUWAG LANG MAYABANG.
Paano ko sinunod ang mga pangaral
ni Mommy:
Hindi ako nagpapaloko. Magastos
lang ako sa mga lotion at pamahid sa mukha. Minsan pagkain din. Hindi ako
nagpupulbos Mommy, foundation pwede pa! Hahaha! Umaga, tanghali, gabi… parati
akong nagdadasal. Tinatamad lang ako minsan. Hindi naman ako ganoon kadumi.
Ayoko na ng sulok para wala na akong linisin. Hahaha! Nirayuma na nga ako.
Mahilig na ako sa gulay ngayon! Yehey! Lahat kinakain ko, kahit tira lang.
Hehehe. Nag-aral akong mabuti. Hindi ko na sinasagot si Daddy, mabait na kasi
siya ngayon. Matakaw ako. Hehehe.
Bonding with Nanay.
Mga pangaral ni Nanay:
HUWAG KAYONG MAG-AWAY na
magkakapatid. MAHALIN MO MOMMY MO. Kayu-kayo lang ang magmamahalan.
PAGPASENSYAHAN N’YO NA SI MARLON, kayo naman ang matanda. KAKAUSAPIN MO ‘YUNG
TATAY MO. Akala mo lang di ka niya mahal pero proud iyon sa iyo. HUWAG TIPIRIN
ANG SARILI SA PAGKAIN. MAGPAKALALAKI KA!
Paano ko sinunod ang pangaral ni
nanay:
Hindi kami nag-aaway na
magkakapatid. Minsan lang, mga larong away. Walang seryosong awayan. Alam ni
Nanay na mas higit kong minahal si Mommy. Sobra-sobra. Oo, pinagpasensiyahan
nga namin si Marlon. Tuloy, spoiled at naging pasaway! Kaloka. Ano naman
sasabihin ko kay Tatay? Hindi naman ako nagtitipid sa pagkain. Mas marami nga
lang akong binibiling pamahid kumpara sa pagkain. Hehehe. Ano raw? Gawin ba
akong maton?
so tamis! alabet! ang sweet nyo mama mo...
TumugonBurahin