Huwebes, Marso 25, 2010

KUWENTONG TOOTHPICK



Hindi ako sanay mag-toothpick at lalong hindi ako gumagamit nito. May mga taong nakasanayan na kasing mag-toothpick at parang pagkaing nakahain din sa mesa. Pagkatapos ng masaganang kainan, toothpick ang agad kinukuha upang tanggalin ang tinga.

Bigla naalala ko ang tungkol sa toothpick. Noong nasa India ako, pili lang ang mga kinakainan namin. Mas madalas burger o pizza. Mahirap makahanap ng plain rice. Hindi rin naman available kahit sa McDonald’s dahil sa Pilipinas nga lang yata mayroon nito. May mga pagkakaton namang mahirap tanggihan ang mga imbitasyon ng mga kaibigan. Kaya kahit pilit, para hindi sumama ang kanilang loob. Go! Sa maliliit na kinang pang-Indian, may mga toothpick sa counter at doon puwedeng kumuha pagkatapos magbayad.

Nagkaroon ako ng Indian bestfriend, o sige sabihin na nating mas higit pa doon dahil halos sa kanila na ako tumira. Si Varun Singh, 17 years pa lang siya noong panahong iyon at ako ay 23. Kung paano kami nagkakilala ay dahil sa toothpick. Toothpick ang may sala. Hahaha! Toothpick na nakalagay sa counter ng kainang pang-Indian at nakalimutan ko na ang pangalan. Hindi naman kasi kilala. Parang carinderia lang. Ang natatandaan ko lang, sweets lang ang kinain ko. ‘Yung gulab jamun.

Nakakabitin ba? Basta, sumasagi sa isip ko si Varun kapag may toothpick akong nakikita. Si Varun na ng dahil sa toothpick ay naging bahagi ng buhay ko. Mabait ang nanay niya, si Mommy Madhuri. May kapatid siyang babae, si Aditi. Wala ang tatay niya, pinadala ng gobyerno ng India sa Iraq bilang Deputy Manager ng isang kumpanya.

Nang dahil sa pamilyang ito ay naramdaman ko kung paano ang buhay Indian. Maraming beses din kasi akong tumigil sa kanila. Kasama sa mga lakad. Sinusundo ako ni Varun minsan sa institute na pinapasukan namin at inuuwi sa kanila. Naipagluto ko na rin sila ng ilang beses. Tinadtaran ko na lang ng sili para may lasa. Pero nasarapan naman sila. Marami pa akong bagay na nagawa sa piling ng pamilyang ito at naramdaman kong itinuring akong anak.

Kung hindi dahil sa toothpick, hindi ko makikilala si Varun at hindi mararanasan ang mga bagay na ito na nagpatingkad ng pagtigil ko sa India. I lost communication with Varun. Timang din kasi siya. Alam ko may maganda na siyang trabaho bilang IT Specialist. Sinubukan kong i-search ang pangalang Varun Singh pero libu-libong Varun Singh mayroon sa India. Nakakapagod isa-isahin at baka mapuno ako ng tinga. Wala pa naman akong toothpick…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento