Huwebes, Marso 4, 2010

ANG MAGING SINGLE AY MASAYANG TUNAY



Kinuhanan ko yung sipit, nakakatuwa… isang pilang mahaba, lahat single. Tapos naalala ko lang ang mga kaibigan ko…

Ngayong taong ito ang pagbabadya ng pagkawala ng mga numero sa kalendaryo ng karamihan sa mga kaibigan kong hanggang ngayon ay single pa. Ang ilan ay purong-puro at ang iba ay malay ko ba kung nagkamalay na sa kung anong bagay o sadyang naglilihim lang. Ang masasabi ko lang sa inyo mga dear friends, magpakasaya at huwag maging alipin ng kalungkutan. E, ano naman kung single ka pa? Ang maging single ay masayang tunay! Totoong-totoo, kaya huwag ng maging bitter o magmukmok sakaling hindi na dumating ang sinumang hinihintay ninyo. Ang gawin ninyo ay pagtuunan kung paanong ang iniiisip at parating na kalungkutan ng pag-iisa ay mabigyan ng solusyon.

Ngumiti, magbunyi… yan ang dapat gawin dahil ang maging single ay masayang tunay!

  1. Makakatulog kang walang dadantay sa iyo at hindi makakarinig ng anumang hilik dahil wala ka namang katabi. Masarap matulog ng maraming unan na kayakap at kung may stuffed toy ka pa, e di bongga!
  2. Makakakain ka ng ice cream, chocolate at lahat ng gusto mong kaining walang pipigil sa iyo at walang makikihati. Kahit ilang scoop o galon pa ng ice cream ang kainin mo, solong solo mo ito.
  3. Mabibili mo ang lahat ng gusto mong bilihin. Maisusuot mo ang damit na gusto mo na walang pipigil sa iyo. Kasehodang ipagladlaran mo ang kaluluwa mo. Hehehe.
  4. Unlimited ang iyong pag-online, mapa-chatting o facebook. Walang pipigil sa iyo at sasaway kung sino ang dapat mong maging kaibigan at makakapili ka ng kahit anong profile pic na gusto mo na walang makikialam.
  5. Hindi ka mangangambang mag-isip ng mga pangregalo para sa mga monthsaries at anniversaries. Wala ka namang ipagdidiwang kaya iwas gastos at iwas pressure.
  6. Bonggang-bongga kang makakapag-travel at mapupuntahan ang lahat ng gusto mong puntahan na walang kontra at walang guwardiya.
  7. Hawak mo ang oras mo, period.
  8. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa lahat ng ginawa mo sa buong araw.
  9. Bonggang-bongga ang oras mong makakasama ang lahat ng kaibigan mo at makakapag-chikahan kayo to the fullest level. Puwede ka ring uminom (kahit hard pa) hanggang gusto mo. Magpakalasing ever ka man, walang pupwersa sa iyong tumigil ka.
  10. Higit sa lahat, you are free. Parang ibong nakawala at nakalipad at pupuwedeng dumapo kahit saan.

Pagkatapos mong malaman na masaya nga ang maging single, darating pa rin sa puntong mapag-iisip ka at lahat ng kasiyahang hatid ng pagiging single ay tila baga panandaliang sasayad sa buhay mo. Pagkatapos nito, bigla ka na namang mag-e-emote, malulungkot, maiinggit at biglang iiyak at sasabihing, “Kailan ka darating, nakakapagod palang maging single!”



3 komento:

  1. nakakaloka, wallei! matapos ilahad ang mga kaligayahang dulot ng pagiging single, na para bagang nasabi ko saglit sa sarili ko na "oo nga ano?" bigla mong binawi sa huli... hahaha! bongga ka talaga! luv yah!

    TumugonBurahin
  2. love you, ate Phynkee... 'yung nga ang catch weh... hehehe

    TumugonBurahin
  3. ganun? kung may nalalaman ka sa bible, hindi mo isusulat ito.

    TumugonBurahin