Sabado, Marso 6, 2010

ANG KALIGAYAHAN AY NAKAPALIGID LANG



Sa mga oras ng kalungkutan, marahil hindi mo nasusumpungan ang kaligayahang nasa harap mo lang. Mga simpleng bagay na makapagpapasaya sa iyo. May mga simpleng bagay na kapag minsang malungkot ako ay nakakasumpong ng tuwa sa mga nakapaligid lang o hindi kaya ay mga bagay na hindi mo minsan napapansin pero nakakatuwa. Kapag may nakakita sa akin, sasabihin tila isip bata ako. I always carry a child in me. Kaya nga sweet ako. De vah? E, ano naman. Gusto ko nga. Iniisip ko lang kung sigurong seryso ako masyado sa buhay ay baka sandamakmak na ang wrinkles ko. Meron na nga kaya pinipilit pa ring iwasang magalit at sinisugurong nakangiti to the fullest level. Sagad hanggang tenga. Hahaha.

Simple lang ang kaligayahan ko at hayaan ninyong isa-isahin ko. Nakakatagpo rin ba kayo ng kaligayahan sa mga ito?

  1. Katulad ng nasa larawan, may mga pagkaing sabi nila ay pambata lang pero masaya akong kumakain ng mga ito. Masaya ako kung makakain ako ng kendi na sampalok, yung may budbod na asin. Trip ko rin ‘yung mga kending nabibili ng tingi sa tindahan. I love chicharon at isasawsaw sa suka. Chicharong bulaklak, at lahat ng pampa-highblood! (Buti may BEPSAR, just in case tumaas ang presyon ng dugo.)

  1. Gusto kong makipagkuwentuhan at balik-balikan ang mga nagdaan. Kahit minsan sinasabi kong hindi na dapat binabalikan ang tapos na pero iba ang feeling kapag napag-usapan ang mga nagdaang panahon lalo na noong kabataan. Masarap humalakhak. Walang kasingsaya.

  1. Mahilig akong mag-ipon ng basura. Hahaha. Makuyagot ako, makalat at tinatago ang kahit anong maliit na bagay lang lalo na kung may sentimental value. Maging ito ay bato pa, dahon o kapirasong papel na galing sa taong mahalaga sa akin. Ang nakakaloka sa akin, ikakalat ko ito, isa-isang titingnan tapos ibabalik ulit. Sorting kunwari para may maitapon pero sa bandang huli, ganoon pa rin. May kung ilang kahon ako sa bahay ng mga kung anu-ano lang na naipon ko pa noong elementary ako, high school, college, at lalo na mga kung anu-anong anik-anik galing India.

  1. Mahilig akong magsulat ng kahit ano lang. Minsan napupuno ang mga papel sa harapan ko ng pirma ko, mga kung anu-anong salitang lumalabas lang at minsan may drawing ng kung anu-ano, mostly flowers. Hehehe. Masaya ako kapag nagagawa ko ito. Nakakalis ng stress.

  1. Gusto ko ng lahat ng may sabaw. Lalo na kapag maasim. Kahit ito pa ang ulamin ko araw-araw, hindi nakakasawa. Iba ang pakiramdam kapag ganito ang ulam ko. Kaya palagi akong may tamarind powder mix o kaya tamarind cubes. Kapag may sabaw, solved na ako!

  1. Paborito kong tingnan ang mga natuyong sanga. Ali na aliw akong pagmasdan ito. Lalo na kung talagang halos wala na ang mga dahon at nagsilagas na. May kung anong dramang hatid ito sa buhay ko na hindi ko maipaliwanag.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento