Martes, Pebrero 9, 2010

FGM: FABULOZANG GINISANG MUNGGO


Ito ang version ko ng ginisang munggo. Simpleng recipe. Simpleng preparasyon. Walang sukat-sukat at MSG free. Masustansya, malinamnam at higit sa lahat fabuloza!

Mga sangkap:

Mongo beans na nailaga na at nilinggis (250 grams)
Baboy na hiniwa ayon sa kagustuhan
Hipon, kahit ilang piraso lang
Isang puso ng bawang na pinitpit
Tatlong pirasong sibuyas na hiniwa ng maliliit
Tatlong hindi kalakihang kamatis at hinati-hati
Asin para magkalasa
Patis kung gusto pero magbibigay ito ng kakaibang lasa
Spinach o alugbati ayon sa dami ng munggo mo
Siling berde para sa kakaibang anghang

Paraan ng pagluluto:

Ngumiti ka muna at kalimutang pasan ang daigdig. Tandaang ang pagkaing niluto ng may pagmamahal ang siyang nagpapasarap sa anumang lutuin.

Maglagay ng mantika sa lutuan at igisa ang baboy at hayaang mamula at lumabas ang sariling mantika nito. Ilagay ang bawang, isunod ang sibuyas. Ilagay ang kamatis. Igisa kasama ang hipon. Kapag namula na ang hipon ay ihulog na ang nilagang munggo. Maglagay ng kaunting tubig ayon sa dami ng iluluto. Pakuluin at ilagay ang sili. Kung nais dagdagan ang alat, lagyan ng patis ayon sa panlasa. Tikman paminsan-minsan at kung sa tantiya mo ay okay na, itambog ang gulay. Hinaan ang apoy. Don’t overcooked. Maluluto rin ang gulay sa init nito. Takpang mabuti. Luto na ang munggo.

Masarap kumain ng munggo kung may kaparehang piniritong isda lalo na kung sariwang galunggong. Huwag kalimutang magsaing. Bumili ng saging. Kumain ng sabay-sabay.

2 komento:

  1. I so love your blog, wallei! kaloka ang wordings! ang dami ko nang naluto hindi ko naman maiupload at nakukulangan ako sa aking sasabihin tungkol sa niluto ko. haist! natutulog ang blog ko tuloy.
    keep up the good work!
    fabulously yours! muah!

    TumugonBurahin
  2. Hi Ate Phynkee, I will link you in my blog ha! Nakita ko nga at puro recipes... This recipe thing is actually inspired by halamnsahalang! O di ba? mwah!

    TumugonBurahin