Buhay ba o kapalaran ang parang
gulong? Ang sa isip ko, kapalaran ng tao ang magdadala sa kanya sa itaas at
ibaba. Parang malas at suwerte. Naisip nyo ba na may mga taong tila bagang
kapatid ng suwerte.? Ang ilan naman ay kapatid yata ng kamalasan.
Iba ang sinusuwerte sa
pinagpapala. Kalimitan ang suwerte ay nakakabit sa pagsusugal. May kapitbahay
kaming napakadaling tumama sa huweteng. Kung ilang beses na. Suwerte sila pero
wala kahit isa sa kanila ang nakapag-aral kaya dumating ang panahong hirap sila
sa buhay. Kung hindi tayo sanay humawak ng suwerte madali itong kakawala. Ang
ilan naniniwala sa mga kung anu-anong bagay-bagay kagaya ng anting-anting at
mga orasyon. Suwerte daw kapag may ganoon, ganire at kung anu-ano pang
paniniwalang hindi ako bilib. Ang lagi ko lang bitbit ay pananampalataya at
pagtitiwalang may iisang Diyos.
Natanong ko tuloy kung ang
kapalaran ba talaga ay nakatadhana na o tayo ang gumagawa nito. I feel I am
blessed but I am not lucky. May mga expectations ako sa buhay na hindi ko
nakuha na kung iisipin ko ay baka panghinaan lang ako ng loob na harapin ang
kasalukuyan. Wala naman akong pinagsisihan sa mga desisyon ko sa buhay.
Naghihintay pa rin ako na darating ang panahon para sa akin. Kaya ang gulong ng
aking kapalaran ay patuloy pa ring umiikot, hindi pumipreno at banayad kong
kino-kontrol at binabalanse.
Sadya nga yatang may nakalaan sa
ating lahat. Ang suwerte ay ang pagpapalang darating sa atin ng hindi natin
malalaman at bigla na lang hayan na at ngingiti ka na lang bigla. Iikot ang
gulong ng ating kapalaran, minsan maaaring ma-flat pero maaayos pa rin. Iikot
muli, patuloy sa pagtakbo. Baba, taas, preno, hinto, flat… at parang wala lang
at tapos na pala.
kung cno man ang author nito nais kong sabihin na napakaganda ng kuwnto na ito at kninang binasa ko i2 ay nakareflect tlaga ako. totoo nga na ang buhay ay parang isang gulong, minsan nasa itaas minsan sa baba. sa totoo nga lng, based doon s bible study nmin, mahirap talagang i-humble ang sarili natin lalo n kapag in the first place maginhawa ka na, marami k ng achievements sa buhay at maraming mga taong humahanga sa iyo pati family mo ay proud sa iyo. Inakala mo ng forever na manatili sa iyo ang lahat na yan pero hindi pala, darating din ang panahon na mawawala din ang lahat ginhawa mo s buhay pati na rin ang magandang pakikitungo ng mga tao sa iyo and worse, kapag hindi mo maibawi yan, makaranas k ng matinding depression and feeling mo gusto mo na magsuicide. walang taong perfect, evereyone commits mistakes. wlang pinipili i2 kahit mabait k o sakim k s kapwa nyo, mangyayari s inyo i2. at bakit ba nangyayari i2, kc kinalimutan n natin ang panginoong diyos..may dahilan ang diyos upang mangyari ang lahat n yan.. at yun ay matuto tayong magpakumbaba as well maalala natin sya..
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinTotoo ang sbi nila ay prang gulong lamang
TumugonBurahinNaalala kolang nong bata pa ako nag aaral kame ng ate ni halos wla kame..sa halip na baon lamang kapos pa kame ..kulang pambili ng meryenda..ni halos lhat na ka samahan nmin ma pera sila. .di kame nakapagtapus dhil mahirap lang kame..di ako nawalan ng pag asa kumapit lang ako sa ama natin sa kalangitan naisip ko lumuwas ako sa manila pra maghanap ng trabaho nakahanap man ako ng trbho ko pero di ko pa masustehan ang inay at itay ko..nakapag isip ako na subukan ko kaya magtrabaho sa sinabi nila na mag ibang bansa..sinapalaran ako naka tatlong taon ako sa ibang bansa..nasusustentuhan kona ang magulang ko..tuning nagpapadla ako nararamdaman ko yung kakaibang nararamdaman pag natutulungan ko magulang ko...sa ngayon nsa abroad plang ako..tuloy tuloy prin ang pag aahon ko ng hirap...at ngayon halos na ka baranggayan ko maganda na ang bahay ko at malaki pa..sa tuwing sinabi nila sa akin umiiyak ako ng dahil siguro sa saya ko..pro tuloy prin ang paghihirap ko..di ako nawawala ng pag asawa..alam ko dyos lamang ang nakaka alam qung ano ang pra sa bwat isa...ang importante maging masaya ka at wlang drating na problema sa buhay mo...at maging masaya ang pamilya...napaka bait tlaga ng ama natin sa kalangitan xa lang ang nagbibigay ng lakas na loob pra sa atin..I kanga wag mawala ng pag asa drting din ang ligaya..ang buhay ay prang gulong lamang...godbless sa atin lahat....