Iba ang dating sa akin ng salitang kanlungan. Kapag naiisip ko at napapakinggan ang awitin ni Noel Cabangon na “Kanlungan”, nalulungkot ako. Nostalgic mode ang drama ko. Parang biglang may mag-fa-flashback na mga alaala. Mga alaalang nagpapatingkad ng aking emosyon, kaya biglang naiba na ang aking mood. Kasunod nito ang pagtahimik at magmumuni-muni. Minsang mapangiti at kadalasang mapaiyak.
Sabi sa linya ng kanta, “panapanahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon… Tama naman hindi ba? Hindi naman talaga maibabalik pa ang mga lumipas na panahon at sa bawat pagkakataon na dumarating sa buhay natin ay hindi natin dapat pinapalagpas.
Ang kanlungan na ibig kong sabihin ay hindi ang literal na silungan o panangga. Ang kanlungan ay hugutan ng iyong kaligayahan kung saan binibigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili na makahanap ng alternatibong gawain para sa maikling panahon at kalimutan ang anumang bagay na nagpapabigat ng iyong damdamin.
Sa maikling oras na pagkakataong manahimik ka ay nakakasumpong ka ng kanlungan para iwaksi ang anumang kakarampot na problemang bumabagabag sa iyong puso at isip.
Ang ating mga kaibigan ay siya rin nating kanlungan at takbuhan kapag may mabigat tayong dalahin sa buhay. Hindi lahat ng kanlungan ay yayakap sa iyo para tanggapin ka. May nag-iisang kanlungan na siyang sasakop sa atin at yayakap na walang pag-aalinlangan. Magdasal ka lang.
napaiyak ako kaibigan.
TumugonBurahinBakit pa ako magba-blog e kung magkapareho naman tayo ng isip sa maraming bagay?
Susubaybayan ko ang mga blog mo faboulous lei!