Miyerkules, Enero 20, 2010

CREMA DE FUTA






Yes, Crema de futa, at hindi mali ang spelling ko. This is not the Crema de fruta you eat as dessert that you know. It’s my term for all the pamahid-sa-fez that almost everyone is using. Daily routine sa mga futa! Hahaha! Including me. Isa sa mga crema de futa fanatic. Di mapakali ng walang pinapahid ever sa mukhang ngarag. From hilamos, cleansing, toning, moisturizing at sunscreen chuva with matching papaya soap, be it classic or green.

Dati naglalagay pa nga ako ng caladryl, remember caladryl na pamahid sa kati yata yon. ‘Yung kulay pink. Then, ‘yung lotion nilalagay ko rin at shina-shampoo ko pa ever ang aking fez. Makapal lang talaga siguro ang mukha ko kaya hindi naman na-damaged. Hahaha!

Simula ng mauso ang Likas Papaya, go na ako dito ng walang kiyeme. Kasehodang mabawasan ang allowance ko basta may pampaputi ever sa mukhang sunog. Nagsulputan na rin ang kung anu-anong brands ng soap at pamahid na lahat pampaputi. May Epiderm-A, may Kalinisan, Kutis, Kalinisan at lahat ng K, Hiyas, Hiyang at kung anu-ano pa. Dumating din ang Block and White, nakisabay din ang Safeguard sa pag-produce ng papaya soap. Gumawa na nga rin si Belo di ba? Si Calayan kaya may pampaputi ever na rin na produkto?

Hindi dito nagtatapos ang kabaliwan ng mga futa sa kung anu-anong puwedeng ipahid, ikaskas at ilagay sa sa mukha at katawan. Nandiyan na rin ang Glutathione in all forms. Puwede na nga ring magpaturok para mas mabilis ang effect. Haaay!

Siyempre nandiyan din ‘yung mga Maxi-Peel at mga astringent na obvious dahil mukha lang ang pumuputi at naiiwan ang kulay ng leeg! Hahaha!

Ako naman, nakikisabay. Walang tigil sa pagsubok ng lahat ng puwedeng ipahid. Kung naisasahog lang ang papaya soap sa pagkain, matagal ko ng ginawa! Hanggang dito lang naman ako. Hindi naman ako ang tipong magpapa-Skin Center pa para lang pumuti ever. Masaya lang akong sinusubukan ang lahat. And natural ang makita ang effect.

Ikaw saan ka ba hiyang? Ano ba ang ipinapahid mo sa mukha mo? Nag-papasalamat Doc ka ba? O hiyang ka na sa simpleng paggamit ng sabon at crema de futa?

Kung ganda at kinis ang hanap mo, mag crema de futa na para masaya at bonggang-bongga!




3 komento:

  1. ako highly recommended ko ang Olay Total effects sa mga oily at blemished skin types. Ako kasi I've been through a lot of beauty and whitening products before and most of them nagpalala lang sa skin probems ko. Gumamit na ako ng Pond's, Nivea pero along lumala breakout ko as in sobrang daming pimples. Lately ko lang na-try Total Effects ng Olay kase my Mom stopped using her's weh ang dami pa laman ng bottle kaya inubos ko n alang. Nag-lighten yung mga pekas at di na ganoon kadami pimples ko. I recommend the complete set.

    TumugonBurahin
  2. i recommend St. Dalfour Cream.. totally awesome!

    TumugonBurahin
  3. anyone out there who is also using Nivea products? I SWEAR by their Nivea for mEn line. Magaling din yung kanilang NIVEA Visage. Meron silang Revitalizing cream na parang equivalent yata ng Total Effects, with this Q10. Because of all of the OLAY endorsements, parang I want to try this TOTAL EFFECTS, pero I am quite attached to NIVEA at hiyang na kasi ako dito. I guess everyone has its own beauty secret. Kung ano ang mabyuti sa'yo, yun ang gamitin mo!

    TumugonBurahin